Ngayon ay tapos na sila mag miryenda at kasalukuyan na nagbibilin ang ginoo kay blake para ipaliwanag kay clark kung saan siya mananatili sa mansyon pag doon siya matutulog, may araw kasi na hindi siya doon mag stay dahil sa pag momodelo niya .. at kaylangan niyang doon siya matulog sa sarili niyang bahay .. at ngayon ay naka alis na ang mag asawang hae .
" so bro ituturo ko sayo kung saan ang magiging room mo pag andito ka .." sabi ni blake kay clark ..
" okay " maikling sagot ni clark
"May monitor para sa cctv ni sam .. medyo malapit yung room mo para kung sakali na kaylangan ka ni sam makakarating ka agad .. " paliwanag ni blake
"So si samantha lang ang babantayan ko ? I heard may isa pa siyang kapatid at babae din ito hindi na ba siya kaylangan bantayan ?" Pag usisa ni clark
" hindi ,may naka assign para sakanya si Terrence, at nasa kabilang room lang siya kasama si Theo.." paliwanag ni blake
" Sino naman yung theo?" Tanong ulit ni clark
" aish!! ang dami mong tanong !! si Theo isa din siya sa mag babantay kay sam gets?" Medyo inis na sagot ni blake dahil sa kakatanong ni clark
" huh? So dalawa pa pala kami magbabantay sa kinakapatid mo wow!! " sagot ni clark kay blake
" yes !!, any problem? Nasanay na si sam kay Theo kaya nakiusap siya kila tita at tito na magiging bantay parin niya si Theo .. " sagot ni blake
" kung ganun pala bakit kaylangan pa ko dito, eh may magbabantay naman sakanya, at ikaw na nagsabi sanay na siya sa Theo na yon .. para matutukan ko ang paghahanap kay rize " mahabang sabi ni clark
"Tss!! Tell dad ,nakakahiya ikaw nirecommend niya kila tita at tito dahil may tiwala siya sayo .. and if you ask me Im willing to escort her , but you know Im a CEO of my company and Im busy to looking for my princess ..and Im her brother trust me hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita " mahabang sabi ni blake .
" tsk ok fine " sumusukong sagot ni clark
"So ok kana diyan ? , bumaba kana lang pag gusto mo hindi mo naman kaylangan na umaligid ka kay sam minu-minuto pag andito kayo sa bahay" sabi ni blake kay clark
" ok , so mukhang hindi naman ako mahihirapan tutal dalawa naman kami magbabantay sa kinakapatid mo .. " sagot ni clark
" sige puntahan ko lang si sam ,oh!! if you want to rest then go .. andito naman ako .. " sabi ni blake
" thanks bro " sagot ni clark at lumabas na si blake sa silid ..
Kaya naman humiga naman si clark sa kama para makapag pahinga dahil medyo pagod pa siya sa biyahe .. pero nakaka ilang minuto na siyang naka higa ngunit hindi pa siya nakakatulog .. kaya naisipan niyang tumingin nalang sa monitor para makita kung ano ginagawa nila blake sa labas .. maya maya ay may nakita siyang babae na lumabas sa isang kwarto at sa isip niya ay siguro ito ang kapatid ni samantha ... at sa kabilang banda nakita naman niya sila blake at samantha na nag uusap at pansin niya na malambing si samantha kay blake at ganun din ito sa dalaga .. at maya maya ay dumating yung nakita niyang babae na lumabas sa isang silid at napansin niya agad na medyo close din ito kay blake kaya lang parang asot pusa ang dalawa kaya naman natatawa nalang si samantha sa dalawa .. at maya maya lang ay nakaramdam narin siya ng antok ..
******
5 :00 na ng umaga nagising si clark simula ng nakatulog siya kahapon .. dala na siguro ng pagod kaya naman naisipan na niyang gumayak dahil baka may lakad ngayon si samantha .. pagtapos niya maligo at makapag ayos ay tinignan niya yung monitor, at nakita niyang gising narin si samantha at naka ayos na ito , at sa baba ay may nakita siyang lalaking naka tayo na mukhang may hinihintay, kilala niya ito sa mukha dahil nakikita niya ito sa agency nila pag nagtetraining ang ilan sa mga tauhan nila, sa tingin niya ay ito yung isa pang magbabantay kay samantha .. kaya naisipan na niyang bumaba para maunahan niya ang dalaga sa ibaba ..
"Sir" bati sakanya ni Theo pagkakita sa kanya dahil kilala niya si clark bilang pinaka magaling sakanila at anak ng boss nila
" you are? " tanong ni clark
" Theo lee sir isa po sa magbabantay kay Ms. Samantha "sagot ni Theo
" so we're we go ? "Tanong ni clark
" sa photoshoot sir ." Sagot ni theo
" good morning " biglang bati ni samantha sa dalawa pagkababa niya
" good morning Ms. Samantha .."sagot ni theo samantalang si clark ay tumingin lang sakanya ..
"Nakapag breakfast na ba kayo ? Come on sabay na kayo sakin para makaalis narin tayo " sabi ni samantha at nauna na sa kusina
" oh mga iho ,iha sige maupo kayo at ipaghahain ko na muna kayo saglit " sabi ng mayordoma sa mansyon na medyo may katandaan narin
"Sige po manang ,ahm ate leny paki timpla naman po kami ng 3 coffee thank you " pakiusap ni samantha sa isa nilang maid
" sige po Ms. Samantha " sagot ng maid
" leny 2 kape lang ang itimpla mo, yung para kay samantha ay gatas ang itimpla mo .. at ikaw naman bata ka alam mo bawal sa iyo ang kape at mag papatimpla ka pa .."sermon ni manang kay samantha
"Hehe baka po kasi makalusot .. kasi po manang baka po kasi antukin po ko mamaya eh " katwiran ni samantha
"Edi matulog ka bata ka "sagot ni manang
" manang naman eh bawal po matulog sa photoshoot " sagot ni samantha
" mas lalong bawal ka uminom ng kape iha "sagot ni manang
" sabi ko nga po bawal .. "sabay pout ..
" aysus bata ka , dapat talaga binabantayan bawat kilos mo ng hindi ka mapahamak" sabi ng matanda kay samantha
" wag po kayo mag alala manang ,babantayan ko po lahat ng kakainin ni Ms. Samantha " singit ni theo sa usapan ng dalawa
" aish ewan ko sayo kumain ka na nga lang .. "sagot ni samantha kay theo kaya naman natawa nalang ang binata ..
*****
Sa ngayon ay nasa kotse na silang tatlo at bumibiyahe at si theo ang driver samantalang si clark ay naka upo sa unahan tabi ng driver , habang si samantha ay mag isang nasa likod .. at medyo nakakaramdam narin ng antok dahil sa maagang pag gising nito dahil inayos pa niya lahat ng dadalhin niya para sa photoshoot , naka leave kasi ang PA niya ng ilang linggo dahil umuwi ito ng pilipinas .. at ngayon ay napansin siya ng dalawa na medyo inaantok na ito pero si theo lang ang nagsalita ..
"Ms. Samantha kung inaantok po kayo umiglip ka muna gigisingin na lang po kita pag malapit na po tayo " sabi ni theo kay samantha
" sige theo , paki gising na lang ako aa salamat "sagot ni samantha at pumikot na ito ..
To be continued ...
# MisSLai :)
BINABASA MO ANG
The Long Lost Daughter Of The Business Tycoon
RomanceA simple girl has a simple life turn into like a princess .. Dahil hindi nya inaakala na siya ang nawawalang anak ng tinaguriang business tycoon in the world . Halina at mag basa ng kuwento ni Samantha Cruz , upang patawanin at umiyak dahil sa...