chapter 61(❤)

271 1 0
                                    

Kasalukuyan na nasa sasakyan na kami lahat at bumibiyahe ,  isang ban ang gamit namin kaya naman dito na kami lahat sumakay puwera lang sila theo at terrence na nasa kabilang sasakyan habang naka sunod sa amin . Kasama din namin si kiel na personal bodyguard nila dad na ngayon ay nagmamaneho . Si clark naman ay naka upo sa passenger sit tas sila mommy,daddy at kuya blake ay nasa likod ng driver tapos nasa likod naman kami nila kuya, katabi ko sila tiffany,yaz at shaine at sa pinaka likod ay sila Ross at kent na prenteng prenteng nakahiga sa likod namin . At ngayon ay inaayos ko yung buhok ni baby sis haha kaya nga baby eh kasi kahit dalaga na siya mahilig parin siya mag pa baby sakin katulad ngayon naglalambing gusto niya ayusin ko yung buhok niyang gulo gulo hahaha. Pagkatapos ko ayusin yung buhok ng kapatid ko maya maya habang nag uusap kaming apat nakaramdam na kami ng antok kaya minabuti na namin matulog tutal mahaba haba pa naman yung biyahe .

Naalimpungatan ako ng marinig ko yung boses ni mommy na ginigising kami dahil malapit na daw kami sa pupuntahan namin ,napatingin ako sa relo ko at 6:00 oclock na pala kaya ako na rin yung nag gising sa iba at agad naman silang nagising puwera lang kay tiffany na humirit pa ng konting oras dahil antok na antok pa daw siya . Pero maya maya lang ay nakarinig ako ng tunog ng cellphone may tumatawag at napatingin ako sa dala ni tiffany na shoulder bag mukhang duon nanggagaling yung tunog kaya kinuha ko ito at nakita kong si clifford yung tumatawag .

" baby sis may tumatawag ,gumising kana malapit nadin naman tayo" sabi ko sa kapatid ko

" hayaan mo siya ate , o kaya ikaw nalang sumagot sabihin mo tulog " sabi nito na antok na antok .

" ocge sasabihin ko nalang kay clifford na------"

[ "hello yabz good morning napatawag ka?"] Ay grabeh siya akala ko ba antok siya at sabihin ko na tulog siya eh narinig lang yung pangalan ng yabz niya bigla nagising ang diwa ?? Si clifford lang pala ang makakapagpa gising sakanya eh .

"Akala ko ba antok ka at sabihin ko na tulog kapa ?, eh ano yan gising na gising aa ?? " may halong pang aasar ko

" eh hindi mo naman kasi sinabi na si yabz pala yung tumatawag " sagot sakin

[" ahm , ano kasi yabz wala kami sa bahay ngayon biglaan eh sorry " ] sagot ni tiff sa kabilang linya siguro niyayaya siya ni clifford ngayon .

[ " oo eh ito kasing si ate ngayon lang niya sinabi samin kung kaylan ngayon pala ang alis "] aba , sorry naman tinamad eh .

"Tsk andito na tayo ,at puwede ba mamaya na yan" napatingin ako kay kuya ng mag salita ito at napansin ko rin na nakatigil na pala kami ,may pagka tsismosa din ako eh. At pagtapos non ay dire-diretsong lumabas si kuya sa sasakyan anyareh??. Kaya dali daling pinatay ni tiffany yung cellphone niya ni hindi niya nga nagawang magpaalam sa telepono kay clifford eh sa pagmamadaling patayin ang cellphone ,siguro nagulat siya kay kuya ,haisst si kuya talaga daig pa minsan yung babae eh.

"Akina tiffany yung bag mo ako na magdadala " alok ni kent kay tifFany, aba gentleman si koya haha ,kaya magpapaka choosey pa ba si tiffany eh may pagka tamad din yan mag buhat kaya ayun si kent nga yung nagdala ng gamit niya . Ako?, no need na dahil kanina pa na kay clark yung gamit ko hindi na nga niya binigay sakin eh pink at blue pa naman yung kulay ng dala kong backpack na bag hehe . Sa ngayon andito na kami sa tutuluyan namin mukhang resthouse ang itsura niya kasi isang medyo  malaking bahay na nasa gitna at yung labas nito ay kahoy pero sa loob ay simento kaya naman nacute-tan ako ang ganda kasi ng pagkaka design dito .

The Long Lost Daughter Of The Business TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon