Nakauwi narin kami dito sa mansion at kasalukuyan na nag aayos na kami para sa pag alis namin mamayang madaling araw . Naligo narin kami para aalis nalang kami mamaya siguro hindi narin ako matutulog hihintayin ko nalang na dumating yung oras para maka alis kami . Habang nag mumuni muni ako dito sa kuwarto ko narinig kong may kumatok sa pinto ko siguro si tiffany yon o si yaz baka may kaylangan . O_O pero ni isa sakanila wala sa harapan ko b-bakit siya nandito akala ko ba hindi siya dito matutulog dahil may aasikasuhin siya ? Paktay mukhang mahihirapan pa ata kami maka alis mamaya ." mukhang iba ata ang inaasahan mo na kakatok sayo ?" Biglang sabi nito sakin , oo clark iba talaga ang inaasahan ko .
" Ah ? akala ko si tiffany eh , b-bakit ka nga pala nandito i thought may aasikasuhin ka ?" Tanong ko sakanya .
" yeah, sumaglit lang talaga ko , naisip ko na ngayon ko na sasagutin yung tanong mo baka kasi hindi mo nga ko siputin " napalunok tuloy ako ng wala sa oras .
" you ask me why im jealous right?" Tanong niya at wala sa sariling napatango ako bago siya sumagot ay ngumiti muna ito .
" because i love you " t-tama ba rinig ko m-mahal niya ko ?? Kaya naguguluhan na napatingin sakanya .
" all my life isang babae lang ang gusto kong makasama , yung babaeng sinabi ko na gusto kong gawing reyna sa ipapatayo kong palasyo .. ikaw yon Rize ikaw yung babaeng tinutukoy ko " O_O R-rize ?
"I know already samantha , ikaw si Rize ikaw ang matagal ko ng hinihintay ang babaeng mahal ko " a-alam niya?, kung ganun y-yung babaeng tinutukoy niya noon ako pala? P-pero paano kapag nalaman na niya?, ako parin kaya?
"Paano mo nasabi na m-mahal mo ko?, dati ba na hindi mo pa alam na ako si Cerize alam mo na ba sa sarili mo na mahal mo ko? , o ngayon lang?, dahil nalaman mo na ako pala yung batang yon noon kaya nasabi mo sa sarili mo na mahal mo ko ? Kasi sa tingin ko kaya mo nasasabi yan kasi ang alam mo ako yung batang yon na pinangako mo sa sarili mo na siya lang ang mamahalin mo .. " nakita ko kung pano siya natigilan sa mga sinabi ko hindi niya siguro inaasahan na masasabi ko yon , sa tingin ko kasi mahal niya ko dahil ako si cerize .
" Samantha " tawag niya sakin pero hindi ko pinakinggan ,alam ko na umiiyak na ko ngayon sa harapan niya pero wala na kong pakielam .
"May gusto lang akong malaman , m-mahal mo ba ko bilang si samantha o dahil mahal mo ko dahil ako si cerize ?" Please answer me .. pero nanatili lang siyang nakatingin sakin .
Ngumiti ako ng mapait kay clark bago ko nagsalita "P-paano kung hindi pala ako yung totoong Cerize kung ganun hindi na pala ako ang mahal mo kundi yung totoong Cerize t-tama ba ??, " nakita ko kung pano siya natulala sa mga sinasabi ko sakanya nagtangka siyang hawakan ako pero tinabig ko ito "b-bago mo sabihin na mahal mo ko please siguraduhin mo muna na mahal mo talaga ko . Clark feelings ko nakasalalay dito a-ayoko na ulit masaktan dahil kapag nasaktan pako b-baka hindi na kayanin nito " umiiyak na sabi ko habang turo ko yung parte ng dibdib ko kung saan nakapuwesto ang puso ko .Sa totoo lang ngayon palang nasasaktan nako clark . Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya ,alam ko maski siya naguguluhan . Gusto kong malaman niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sakin bilang ako si samantha hindi bilang si Cerize iyon ang gusto ko . Huminga muna ko ng malalim bago ko lumapit sakanya para yakapin siya .
" Hindi mo kaylangan agad sumagot clark , s-sabihin mo nalang sakin pag alam mo na" pagkatapos non humiwalay na ko sa yakap. "please take care of yourself clark , y-you can go now , t-tapusin mo na yung inaasikaso mo para makapag pahinga kana rin clark" sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Daughter Of The Business Tycoon
RomanceA simple girl has a simple life turn into like a princess .. Dahil hindi nya inaakala na siya ang nawawalang anak ng tinaguriang business tycoon in the world . Halina at mag basa ng kuwento ni Samantha Cruz , upang patawanin at umiyak dahil sa...