#2

719 45 2
                                    

CHAPTER #2



"Nasa'n ka, Kuya?"
May masama kayang nangyari? Ang alam niya, ngayon ang kasal nito kay Nadine.

Iyon nga lang ay mas pinili niyang huwag na lang pumunta dahil masakit para sa kanya
ang makita itong napilitang magpakasal sa taong hindi naman nito mahal.

Ang Ate Liza naman talaga niya ang mahal nito at inipit lang ito ni Nadine.

"Tumakas ako sa kasal namin ni Nadz, Shine."
Napasinghap siya at pagkuwa'y mariing napapikit.

"Magkita tayo sa bahay at pakiusap, Kuya, mag-iingat ka."

Ngayon ay nahaharap sa malaking gulo ang Kuya Quen niya at dapat niya itong tulungan.

"LUKE." Agad sinalubong ng yakap si Luke ni Jinri nang dumating na din siya sa mansiyon
kung saan naghihintay ang mga magulang niya. May sasabihin daw itong importante.

Malamang ay tungkol ito kay Quen na dalawang araw na ay hindi pa rin mahanap.

Ang masama pa ay nasa headline ang eskandalong nangyari kaya pinagpipyestahan sila
ng lahat.

"Hi, Mom," anang binata at hinalikan ang ina sa sentido."How are you?"
"I'm so worried for Quen and you."

"Why would you worry about me?"

"Magsabi ka nga ng totoo, Luke. Alam mo ba kung nasaan ang Kuya mo?" si Tanner.

"How would I know?" malamig niyang sabi.
"Baka naman pinagtatakpan mo lang siya?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo, Dad. At ano ba ang pakialam ko sa takbo ng utak ni
Kuya? Siya ang nakakaalam sa buhay niya."
Naningkit ang mga mata ng ama niya.


"What else can I expect from you? Wala ka naman talagang pakialam sa pamilyang 'to
dahil sarili mo lang ang iniisip mo!"
Nakuyom ni Luke ang kamao.

"Look who's talking! Bakit kaya tayo napasok sa ganitong gulo, ha, Dad? Bakit kaya
kailangang mapilitang magpakasal ni Kuya kay Nadine? Hindi ba dahil sa sarili mo lang
din ang iniisip mo? Dahil mas importante pa ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa
pakinggan si Kuya Quen na anak mo!"

"
Luke, stop it!" gulat na sabi ni Jinri.

"Hindi mo dapat sinasagot nang ganyan ang
daddy mo."

"Bakit, Mom? Hindi ba totoo naman?"

"Shut up, Luke! Nawawalan ka na ng galang!" galit na sabi ni Tanner at idinuro pa siya
nito.

"'Yon naman ang puno't dulo ng lahat ng 'to, 'di ba? Natatakot kayong masira ang
pangalan niyo kaya kahit kaligayahan ng kapatid ko isinaalang-alang niyo! Ang problema
naman dito kay Kuya masyadong mabait, masyadong huwaran at masunurin kaya tuloy
pati 'yong kaisa-isang babaeng mahal niya nawala sa kanya!"

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Tanner!"
Mabilis na humarang si Jinri nang susunggaban sana nito si Luke.

"Tumabi ka diyan, Jinri!"
"Tumigil ka na, Tanner! Sa tingin mo ba may mangyayaring maganda kapag sinaktan
mo si Luke? Hindi ako papayag na tuluyang masira ang pamilya natin. Pakiusap naman
huminahon kayo. Bakit ba hindi na lang tayo magtulungan dito?"

"I want you to find your brother, Luke."

"What?" react ng binata.

"Hindi ka babalik ng Amerika. Dito ka muna at papayagan lang kitang umalis kapag
nahanap mo na si Enrique," mariing sabi pa ng ama niya.

"You got to be kidding me, Dad! Bakit hindi ka na lang maghire ng magaling na detective
para hanapin si Kuya? Tutal naman marami kang pera."Siya, maghahanap sa tumakas niyang kapatid? Nababaliw na nga yata ang ama nila.

.... Itutuloy....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon