#24

381 34 6
                                    

CHAPTER #24

"Kung ganu'n wala na 'kong choice,"
Nagulat si Shine nang takpan ni Luke ng panyo ang ilong niya.

Nagdilim ang paningin
niya. Tiyak niyang may inilagay ito doon kung kaya't nawalan siya ng malay. Bumagsak
siya sa mga kamay ni Luke.

"I-I'm really sorry, Shine,"
Labag man sa loob ay binuhat niya si Shine at dinala papunta sa nakaparada niyang
kotse.

NAPABALIKWAS ng bangon si Shine at agad niyang nasapo ang ulo.
Ano ba ang nangyari sa kanya?

Nilibot niya ang tingin at nasa loob siya ng isang napakagarang silid na hindi pamilyar sa
kanya. Kumabog ang dibdib niya.

"Nasaan ako?"
Bumangon siya sa kama at sumilip sa bintana. Tumambad sa kanya ang tanawin ng mga
kabayo sa malawak at berdeng damuhan.

Nasa isang rancho ba siya? Pero paano naman siya nakarating doon?

Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Ang naaalala lang niya, bago siya umalis ng
bahay ay-- Tama, ang Tom na 'yon!

Nagpuyos siya sa galit. Ito ang may kagagawan ng lahat. Kinidnap siya nito.
Paano ako makakaalis sa lugar na 'to?

Tinungo niya ang pintuan at bumukas naman iyon. Nasa ikalawang palapag siya ng isang
magarang mansiyon!

Nasaan ba talaga ako? Kailangan ko nang makaalis dito.. .
Bumaba siya ng hagdan.

"Hija, gising ka na pala," pansin ng isang may edad na babae sa kanya. Sa kusina ito
nagmula.

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon