#57

413 31 1
                                    

CHAPTER #57

"Ako sigurado akong hindi ko siya kilala nang lubusan."

"Edi hayaan mo 'kong i-share sa'yo ang nalalaman ko tungkol sa kanya."

"G-gaya ng?"

THAT was when she realized na marami pa nga siyang hindi alam kay Luke.

Liza told her that he is an Interior Designer at sa States ito nagpa-practice. Ang gusto
talaga ng ama nila ni Quen ay ang pagni-negosyo ang atupagin nito but he refused and
insisted his passion instead.

Talent talaga nito ang pagguhit at alam na alam ni Shine
iyon.

May ari din pala ito ng isang sikat na art gallery. Bilang young painter, marami na itong
nakamit na recognitions at nakagawa na rin ng pangalan maging sa labas ng bansa.

"Mga gawa niya lahat 'to?" manghang sabi ni Shine nang puntahan nila ang art gallery
nito.

"Halos lahat ng nakikita mo sa kanya pero may mga artworks din naman ang mga
kaibigan niya dito."

"Ang gaganda nila, Ate."

"Ganun siya kagaling, Shine. No wonder maraming mga babae ang gustong makuha ang
atensyon niya pero lahat yata sila nabigo."

"Liza?"
Pareho silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Si Jinri.

"Ma! Nandito din po pala kayo?"

"Oo. Tinitingnan ko ang mga paintings ni Luke. You know I missed that boy so much,"
anang ginang.

"This is Shine. You still remember her? Siya na po ang bagong manager ng Virusca Jinri ngayon."

"Yes, of course. Why would I forget her? Lalo na ngayon,"
Nagulat si Shine nang yakapin siya nito nang mahigpit.

"Ang babaeng nagturo kay Luke kung paano magmahal. Kamusta ka, hija?"
Hindi siya makapaniwala.

"M-mabuti naman po," atubiling tugon niya.

"Ipinasyal ko lang po si Shine dito sa gallery para malibang naman siya," sabi pa ni
Liza.

"Mabuti nga 'yon. After everything that has happened, we all need to refresh our
minds,"
Ginagap nito ang kamay ni Shine.

"Why do I have this feeling na malungkot ang espesyal na babae para sa aking bunso?"

How nice to hear na special siya kay Luke kahit hindi naman iyon totoo. Dahil kung
special nga siya para dito, bakit basta na lang itong umalis?

"Ma, alam niyo na po ang dahilan," si Liza.

"Hindi ka dapat nagiging mahiyain, Shine. Look, ang ganda-ganda mong bata."
Pinilit niyang ngumiti.

"Salamat po, Madam," aniya at pagkatapos ay napahugot ng malalim na
paghinga.

"Pwede niyo po ba 'kong kwentuhan tungkol kay Luke? Gusto ko po kasi
siyang makilala sa kung paano niyo siya kilala,"
Ngumiti si Jinri.

"Basta pagdating sa'yo walang problema."

... Itutuloy...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon