#49

375 30 4
                                    

CHAPTER #49

Ikinwento niya ang lahat nang nangyari kay Liza.

"Alam mo, Shine, nagsisisi talaga ako na hindi ko siya pinakinggan dahil lang sa
nabulagan ako noon. Kung bibigyan lang sana ulit ako ng isa pang pagkakataon,
ipaglalaban ko si Enrique dahil mahal na mahal ko siya,"

LIZA was crying at pati si Shine ay nasasaktan din para dito.

"Ate, magiging okay din ang lahat magtiwala ka. Si Luke, hindi niya hahayaang mag-isa
si Kuya Quen,"

"I am praying, Shine. Nami-miss ko na siya. Sobra,"

"Wag ka nang umiyak, Ate. Hindi pa ito ang katapusan ng kwento niyong dalawa ni Kuya
Quen,"

End Of Calling.....

"I'M glad you're back,"
She didn't like the sight of Nikko. She always did.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Nikko? Akala ko ba hindi ka na magpapakita sa 'kin
pagkatapos ng huli nating pag-uusap?"

"Shine naman. Almost two weeks din kitang hindi nakita,"

"Pero hindi ko kinalimutan 'yong mga sinabi mo sa 'kin nu'n,"

"Of course I wasn't serious that time! Alam mong hindi kita matitiis, Shine. Now, tell me,
someone took you, right?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"That someone abducted you!"

"Hindi 'yan totoo!"

"What keeps you from telling the truth? May threat ba sa'yo?"

"Nikko, wala! Obvious bang okay lang ako at wala namang masamang nangyari sa 'kin?"

"Gusto lang naman kitang tulungan,eh. Concerned lang naman ako sa'yo, Shine,"

"Pwes hindi ko kailangan ng concern mo, Nikko. Salamat na lang,"

"Hindi mo naman siguro pinuprotektahan ang abductor mo, 'di ba?"

"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo," mariing sabi ng dalaga.

"Kailan mo ba 'ko sasagutin?"

"Sinabi ko nang wala kang aasahan sa'kin!"
Galit na hinaklit ni Nikko ang braso niya.

"Hindi 'yan ang ini-expect kong isasagot mo sa 'kin!"

"Bitawan mo 'ko, Nikko, nasasaktan ako!"

"Ano pa ba ang gusto mo? Nasa akin na ang lahat  Shine, hindi mo ba nakikita 'yon?"

"Dapat mong maintindihan na hindi kita mahal dahil wala akong nararamdaman sa'yo!"
Marahas siyang binitiwan ni Nikko.

"Pagsisisihan mo 'to, Shine! Kung sino man 'yang ipinagmamalaki mo, hindi siya uobra
sa 'kin!" anito at tinalikuran na siya.

Nasapo niya ang namamaga niyang braso.

"Miss Shine!" si Yassi nang makita siya.

"Ayos lang ba kayo?"
Tumango siya.

"Ayos lang ako. Wala 'to,"
Kahit parehong galing sa mayamang pamilya sina Luke at Nikko, napakalaki ng
pagkakaiba nila, iyon ang nasisiguro ni Shine.

Mapagmalaki si Nikko dahil sa maimpluwensiya ang pamilya nito pero si Luke hindi.

Ayaw nga nitong umaasa sa anino ng pamilya nito at may sarili itong disposisyon.

Mukha
lang itong rude pero hindi naman talaga ito ganoon. In fact, he is just a son hoping for an
appreciation from his father.

Kung ano man meron ito ngayon ay tiyak na pinaghirapan
naman nito kaya naman humahanga siya dito.

Nami-miss na nga niya ito. Bakit ba hindi man lang ito tumatawag sa kanya?

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon