#48

405 31 3
                                    

CHAPTER #48

"Siyempre magkikita pa tayo,"

"Definitely,"
Kinalag naman ni Shine ang seatbelt niya.

"Mauuna na 'ko sa'yo, Luke. Ipagdadasal ko kayo ni Kuya,"

"Shine,"
Luke leaned forward and kissed her.

"Sakaling maayos na ang lahat, babalikan kita and let's talk about us. Please wait for
me,"

"Oo, Luke, hihintayin kita,"
Hindi niya napigilan ang pagkawala ng luha sa mata niya.

"Please don't cry. I don't want to leave you like this. Pumasok ka na sa loob. Tatawagan
na lang kita,"

"Sige. Aasahan ko 'yan. Mag-iingat kayo ni Kuya,"

"SAAN po ba talaga kayo nagpunta, Miss, at si Sir Nikko eh napapraning na nang hindi kayo
nakikita?" tanong agad ni Yassi nang dumating na siya.

"Kahit po si Sir Quen nag-alala kasi hindi
ko masabi sa kanya kung nasaan kayo,"

"Walang masamang nangyari sa 'kin, Yassi. Masyado lang talagang komplikado para
ikwento pero si Kuya Quen nakausap ko na siya. At ano pa ba ang ginagawa ni Nikko dito?
Akala ko ba lulubayan na niya 'ko?"

"Hindi ko nga rin po alam,eh. Ang sabi lang niya may kumidnap sa inyo at sigurado daw
siya dun."

"A-ano?" aniyang natigilan.

"At sino naman ang kikidnap sa 'kin?"

"Malay ko po sa kanya. Pero siyempre hindi naman ako naniniwala. Kung kinidnap kayo
edi sana may nanghingi na ng ransom, 'di po ba?"

"Tama ka. Praning lang si Nikko,"

"NAY!" patakbo niyang sinugod ng yakap ang nanay niya nang umuwi siya sa kanila.

"Shine, anak!"

"Na-miss po kita, Nay. Kamusta na po kayo?"

"Iyon na nga anak,eh. Halos dalawang Linggo ka ding hindi nakauwi dito sa atin, lalo
tuloy kitang na-miss. Ano ba ang pinagkaabalahan mo dun, ha?"

"Pasensiya na po kayo, Nay. Ang dami po kasing nangyari,eh, pero okay naman po ako.
Walang masamang nangyari sa 'kin. Marami po akong ikukwento sa inyo,"

"Tingnan mo nga 'yong cellphone mo, o. Ang dami nang mga tawag galing sa Kuya Quen
mo at kay Nikko. Tapos ano pa 'yong pinagsasasabi na kesyo may kumuha daw sa'yo kaya
hindi ka nakakauwi pero siyempre imposible naman 'yong sinasabi niya, hindi ba?"

"Nay, sabi ko naman sa inyo, 'di ba, walang nangyari sa 'kin? Kung ano man po 'yong
pinagsasasabi niya, hindi po totoo 'yon,"

"Alam ko 'yon, anak. Tsaka wala pa naman akong pambayad na ransom sakali,"

Kinuha niya ang cellphone at nagulat siya nang may mga messages siya sa inbox niya na
galing kay Liza.

"Nay, nagtext din po si Ate Liza,"

"Isa pa 'yan, anak. Siguro importanteng makausap ka ng Ate Liza mo,"
Kaagad niyang i-d-in-ial ang number nito.

"Ate Liza,"

"Shine! Kamusta ka? Ilang beses kitang tinext. Buti naman at naisipan mo rin akong
tawagan. Nami-miss na kita,"

"Nami-miss na rin kita, Ate. Pasensiya ka na, may mga nangyari kasing hindi inaasahan
dahil sa pagkawala ni Kuya Quen. Ang totoo ngayon lang ako nakabalik sa bahay,"

"B-bakit, saan ka nanggaling?"

"Sa rancho ng mga Barber,"
Narinig niya ang pagsinghap ni Liza sa kabilang linya.

"Shine, ano'ng ginawa mo do'n?"

.... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon