CHAPTER #39
Hindi siya sanay na nakakita ng lalaking walang pang-itaas lalo pa at ganito ka tipuno ang
katawang makikita niya umagang-umaga."Para saan?"
"Hindi ko alam na nagbibihis ka, sorry,"
"Ngayon ka lang nakakita ng lalaking topless?" amused na tanong naman ng binata.
"Bumaba na tayo para makapag-breakfast ka na,"
"Sige sandali na lang 'to,"
Sa labas na lang siya naghintay. Napahugot siya ng malalim na paghinga.Ano ka ba naman, Shine? Parang nakita mo lang siyang walang pang-itaas,eh!
"DAHAN-dahan lang," sabi ni Shine habang inaalalayan niya ang binata pababa ng hagdan.
"Shine, ang sugat ko nasa tagiliran wala sa binti," sabi naman ni Luke.
"Mahirap nang hayaan kitang bumaba mag-isa. Baka mamaya mahulog ka pa edi isipin
pa nilang itinulak kita,""Bakit nga ba hindi mo na lang ako itinulak para makatakas ka na?"
Tumaas ang kilay ng dalaga."Nagsa-suggest ka?"
"Ang sweet niyo namang tingnang dalawa," pansin ni Manang Malou na abot-tenga ang
ngiti nang dumulog na sila sa hapag-kainan."Inaalalayan ko lang po 'tong si Luke, Manang. Baka kasi mapano na naman,eh," ani
Shine na hindi maitago ang pamumula."May nobyo ka na siguro, hija?"
"W-wala po, Manang. 'Yong tamang lalaki kasi, hindi pa yata siya dumadating,"
"Baka naman dumating na hindi mo lang namalayan. Malay mo nasa tabi-tabi lang siya,
o di kaya nasa kanan mo na pala,"Napayuko siya. Sino ba ang nasa kanan niya kung hindi si Luke? Nagma-match make
ba si Manang Malou sa kanilang dalawa?"Tingin niyo kaya Manang 'yong tamang babae para sa 'kin nasa kaliwa ko lang din?"
pasakalye naman ni Luke.
Lalong nag-init ang pisngi ni Shine kaya hindi niya maidiretso ang tingin. Bakit ba siya
nagkakaganito?"A-alam mo sa tingin ko dapat kumain na tayo para maaga tayong makaalis," pag-iiba
na lang niya.NILAKAD lang nila ang papuntang coffee farm dahil malapit lang ito.
Halos karugtong lang ito ng
rancho. Ang alam ni Shine mayaman ang Kuya Quen niya.Hindi naman niya inakalang ganito
pala kayaman ang angkan nito."Nahihirapan ka ba dahil sa 'kin?" tanong sa kanya ni Luke kaya mula sa paligid ay
nalipat dito ang tingin ni Shine."Hindi. Naiinis lang ako dahil napahamak ka dahil sa katigasan ng ulo mo,"
"So nag-alala ka nga sa 'kin?"
....ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...