#19

428 37 4
                                    

CHAPTER #19

Maliligo siya kahit mag-isa lang. Mas gusto nga niya iyon. Masosolo niya ang ilog.

Habang nagbababad ay napaisip siya sa mga nangyari nito lang.

Una, nahaharap sa malaking problema ang Kuya Quen niya. Napilitan itong magpakasal
sa babaeng hindi nito mahal dahil lang sa itinuturo itong ama ng ipinagbubuntis ng
babae kaya tumakas ito sa araw ng kasal.

Ngayon, gumagawa ito ng paraan para
mahanap ang katotohanan pero nahihirapan ito dahil nagtatago ito mula sa mga
naghahanap sa kanya.

Gustuhin man niyang tumulong, hindi naman siya pinapayagan
dahil ayaw siya nitong madamay.

Pangalawa, hindi naging madali ang pagsalo niya sa posisyon ng Ate Liza niya bilang
manager ng Virusca Jinri pero wala naman siyang choice.

Kakayanin na lang niya ang
bagay na 'yon alang-alang sa Kuya Quen niya at kay Aling Cynthia na rin.

Pangatlo, si Nikko. Pero dahil nagtalo sila nang huli silang magkita, wala nang aasahan pa
ito sa kanya.

Isa pa ang panggulong Tom na 'yon. Ito ang posibleng makahadlang sa plano ni Quen
kaya hindi nito dapat tuluyang malamang alam nga niya kung nasaan ang hinahanap
nito.

Gagawin niya ang lahat para protektahan ang Kuya niya.
Although aaminin niya, attracted siya dito. Mali para sa kanya dahil hindi ito
mapagkakatiwalaan bukod pa sa wala siyang alam dito pero hindi naman niya mapigilan
ang sarili niya. At aaminin din niya, madalas itong pumasok sa isip niya.

May iba pa bang ibig sabihin 'yon?, tanong niya sa sarili.
She's hoping na hanggang doon na lang iyon. Hindi niya pwedeng kalimutang hindi niya
ito pwedeng pagkatiwalaan.

"Kasama ba 'ko sa mga iniisip mo?"
Halos mapapisik si Shine nang may magsalita.

Agad uminit ang ulo niya nang makita si
Luke na nakatayo sa isang bato malapit sa kanya.

"Papatayin mo ba 'ko sa gulat?!" singhal niya dito.
Bakit hindi man lang niya napansin ang pagdating nito?

"Sorry, hindi ko sinasadya," anitong itinaas pa ang mga kamay.

"Hanggang dito ba naman? Ano ba talagang gusto mo, ha?"

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon