#47

406 31 4
                                    

CHAPTER #47

HINDI inaasahan ni Shine na tutunog ang cellphone na ipinahiram ni Luke sa kanya. Nang
damputin niya, hindi pamilyar sa kanya ang numero pero sinagot niya dahil may kutob siya.

"Hello?"

"Shine, where the hell are you?"

"Kuya Quen!"

"Sinubukan kitang tawagan sa cellphone mo pero si Nay Cynthia ang sumagot. Ang sabi
niya hindi ka pa raw umuuwi galing ng orchidarium. Nang tumawag naman ako sa
orchidarium ang sabi ng assistant mo mahigit isang linggo ka nang hindi nagre-report.
I'm so worried about you. Nasaan ka ba?"
Batid niya ang sobrang pag-aalala sa boses nito.

"I'm sorry, Kuya. Mahabang kwento pero nandito ako sa rancho ng angkan niyo. Alalang- alala din ako sa'yo. Ilang beses kitang sinubukang kontakin,"

"Pero paano ka napunta diyan?"

"Si Luke, Kuya. Siya si Tom na sinasabi ko sa'yo. Siya ang nagdala sa 'kin dito,"

"Ano?!"

"Oo, Kuya. Hinahanap ka niya,"
Naramdaman niya ang pagpasok ni Luke sa silid niya at paglapit nito sa kanya.
Humarap siya dito.
Nagtatanong ang mga mata nito.

"Please, Kuya, hayaan mong kausapin ka niya," at inabot niya kay Luke ang cellphone.

"This is Luke,"

"Luke, ang Kuya Quen mo 'to,"
Hindi makapaniwalang napatitig si Luke sa kanya.

"Brother, where the hell are you?"

Pasimpleng lumabas ng silid si Shine para hayaang makapag-usap ang magkapatid.

NASAGOT na ang matagal na niyang tanong. Oo. Kaya nga niyang pagkatiwalaan si Luke.

Sana
naman maganda ang maging kahinatnan ng ginawa niya.
Nasa sala siya nang makita niyang sa wakas ay bumaba na rin si Luke na
napakaseryoso ng mukha. Napatayo siya.

"Tapos na kayong mag-usap ni Kuya Quen?"

"Yes,"

"Ano'ng pinag-usapan niyo?"

Kinabig siya ni Luke at ikinulong sa mga bisig nito.

"I have to go after him sa Baguio. He needs me at hindi ko 'yon ipagkakait sa kanya,"

"Kailan ka naman aalis?"

"Tonight,"

"Mag-iingay kayo, Luke,"

"We will, I promise," at hinalikan siya nito sa noo.

"Magbihis ka, ibabalik na kita sa inyo,"

SA Virusca Jinri na lang siya nagpahatid.
Ngayong alam na ni Luke kung nasaan si Quen, hindi na siya nito kailangan pang
'ibilanggo' sa rancho at hindi na rin sila magkakasama pa.

Ibig sabihin din niyon ay
kailangan na nilang maghiwalay at balik na sa normal ang buhay niya.

"Sana bumalik na sa dati ang lahat pagkatapos nito," sabi niya.

"Salamat at pinagkatiwalaan mo din ako, Shine," sabi naman ni Luke at hinawakan ang
kamay niya.

"Luke, wala 'yon. Masaya lang ako na may kakampi na si Kuya Quen dito, hindi lang
ako. Alam kong naintindihan niya ang desisyong ginawa ko at hindi ako nagsisisi na
nagtiwala ako sa'yo,"

"Thank you so much," dinala ni Luke ang kamay ni Shine sa mga labi niya.

"This is not
yet goodbye, is it?"

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon