#31

418 36 2
                                    

CHAPTER #31

"WALA ba sa 'yo...'yong cellphone ko?" tanong niya kay Luke nang bumalik na sila sa
mansyon.

"Wala. Hindi ko nakuha so I thought na hindi mo dala,"
Kung ganu'n naiwan niya sa bahay nila?

"Kailangan na kailangan ko kasi 'yon. Kailangan kong i-check ang orchidarium, kailangan
kong makausap si Nanay,"

"At kailangan mong makausap si Kuya. Sige, I'll provide for you or pwede mong gamitin
ang telepono ng mansiyon,"

"Salamat,"

"Pumasok ka na sa loob,"

"I-ikaw?"

"Susunod na lang ako. May kailangan lang akong puntahan,"

Tinalikuran na nga niya ito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

"Natagalan ka yata sa pamamasyal , Shine. Nalibang ka siguro, ano?" si Manang Malou.

"Opo. Ang ganda po pala ng rancho,"

"Halika na kumain ka na ng tanghalian mo,"

"Mamaya na lang po siguro,"

"Baka naman nagugutom ka na?"

"Susunod po ako kapag nakatawag na 'ko sa orchidarium," nakangiti niyang sagot.

"Ikaw ang bahala, hija. Masarap ang ulam ngayon,"
Nakita niya ang telepono sa sala.

"Yassi,"

"Miss Shine!" anas ng assistant niya.

"Nasan ho kayo? Two days na po kayong 'di nagre- report sa Virusca Jinri, ah?"

"Mahabang istorya, Yassi,eh. Kamusta diyan?"

"Wala naman pong problema. Tuloy-tuloy lang po ang pasok ng mga orders. At
hinahanap nga po pala kayo ni Sir Nikko,"

"Ni Nikko?" gulat na ulit niya.

"Opo, nandito nga kaninang umaga,eh,"

"Naku, ikaw na lang ang bahalang magtaboy sa kanya. Kung may problema man, ah,
basta tatawag na lang ako, ha?"

"Nasa'n ho ba kasi kayo?"

"May emergency kasi,eh. Basta ikaw na muna ang bahala sa Virusca Jinti, ha? Ikaw
lang ang pwede kong asahan diyan,"

"Okay, Miss, walang problema,"

"Sige tatawag na lang ako ulit,"

... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon