CHAPTER #56
"Umalis ka na, Nikko. Hindi ko kailangan ng panghuhusga mo."
Ano bang maling ginawa niya para mangyari sa kanya ang ganun? Tinalikuran na nga
siya ng lalaking mahal niya tapos may huhusga pa sa kanya? Bakit ang unfair yata ng
mundo sa kanya?"Miss Shine, ayos ka lang po ba?" alalang tanong ni Yassi sa kanya.
"Hindi, Yassi. Hindi ako,okay,"
"Umuwi ka na po muna, Miss Shine. Magpahinga kayo. Ako na lang muna ang bahala
dito sa Virusca Jinri. Nag-aalala na po kasi ako sa inyo,eh. Masyado na po kayong
stressed,"
Pinahid niya ang mga luha."Pasensiya ka na, Yassi. Hindi ko dapat hinahayaang maapektuhan ang trabaho ko pero
heto ako, nagda-drama sa harap mo. Tama ka nga siguro, dapat magpahinga muna 'ko
baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko."NAKAHIGA si Shine sa silid niya nang katukin siya ni Aling Cynthia.
"Shine, anak, gising ka ba?"
"G-gising po ako," aniya at dali-daling pinahid ang mga luha niya.
"Nandito ang Ate Liza mo binibisita ka."
Napabangon siya."Ate Liza!"
Pumasok si Liza sa silid niya at tinabihan siya."Kanina ka pa ba umiiyak? Hindi ito ang ini-expect kong dadatnan sa'yo," alalang sabi
nito."Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko, Ate,"
"At ayokong nakikita kang nagkakaganyan."
"Ate, ayoko ng ganito."
"Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o ano na nagkakaganyan ka, Shine. Pero kasi,
kapag nagmahal ka, hindi mo talaga maiiwasang masaktan," at hinaplos nito ang mukha
niya."Mabuti pa magbihis ka. Samahan mo ko. Girl bonding tayo para malibang ka
naman. What do you think?"Kahit luhaan ay nakuha pa rin niyang ngumiti.
"Panalo ka na naman, Ate."
"HINDI nga ako nagkamali na dadating ang araw na babalik uli sa dati ang lahat. Ang bait talaga
ng Diyos," wika niya."Alam mong umasa din ako na mangyayari 'yon, Shine. Kita mo, hindi siguro ako
magiging ganito kasaya ngayon kasama si Quen," sabi naman ni Liza."Sana maging masaya rin ako,"
"With Luke?"
Malungkot na ngumiti si Shine."Mukhang imposible na 'yon, Ate. Ayokong umasa sa wala kasi ako lang din ang
masasaktan sa huli,""Naniniwala akong hindi 'yon gagawin ni Luke nang walang dahilan, Shine. I know him
somehow.".... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
أدب الهواة❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...