CHAPTER #46
"Oo," anang binata na napakamot sa kilay.
"Saka ko na lang iisipin 'yon, Luke."
"Thank you so much, Shine. Hindi talaga ako sanay na may mag-effort para sa 'kin,"
"Masaya ka ba?"
"Oo naman. You're so sweet,"
"Wala 'yon,"
"Tara mangabayo tayo,"
Natigilan ang dalaga."Teka, hindi ba ang sabi ng doktor--"
"Shine, kaya ko na. Magaling na 'ko. Isa pa hindi naman si Clover ang sasakyan natin,eh."
Nagpadala na lang siya nang hilahin siya nito sa kamay."SALAMAT ulit para sa lahat,"
"Kanina ka pa nagti-thank you diyan. Tigilan mo na nga 'yan, Barber," natawang pakli
ni Shine habang tinatahak na nila ang malawak na damuhan.Nagkataong maliwanag ang buwan kaya tuloy-tuloy lang sila habang sakay ng kabayo.
"Hindi naman kasi ako madalas magthank you sa mga tao sa paligid ko. Ayoko kasing
may utang na loob ako,""Magkaiba nga kayo ng ugali ni Kuya Quen pero Luke, mas okay pa rin kapag
nagpapakatotoo ka sa sarili mo. Wag mo rin sanang tingnan ang sarili mo na parang
wala kang kwenta dahil hindi totoo 'yon.""But you hate me,"
"Kasi hindi pa kita naiintindihan nu'n. Dahil hindi pa kita kilala. Hindi mo naman ako
masisisi, 'di ba? Ikaw naman kasi,""Ano'ng ako?"
"Subukan mo ding buksan ang sarili mo sa ibang tao. Masarap sa pakiramdam kapag
marami kang kaibigan.""Mahirap yata 'yon,"
"Maniwala ka, madali lang. Nagawa mo na minsan, pwede pa ulit. At Luke,"
"Ano 'yon?"
"Di por que hindi mo na-meet ang expectations ng Daddy mo sa'yo masama ka nang
anak. Ang ipinagkaiba natin siguro eh 'yong todo-suporta sa 'kin ang Nanay ko sa kung
ano'ng gusto ko.""Isa lang naman talaga ang gusto ko. Iyon 'yong sabihin din sa 'kin ni Dad na proud siya
at naging anak niya 'ko,""Mangyayari din 'yon, Luke, sigurado ako."
"I hope so. And you know what, this is my most memorable birthday ever. Thank you for
being a part of it,""You're very welcome, Edward Luke Barber."
Napatingala siya dito and their eyes met. She reached for his face as he eventually
claimed her lips."GOOD NIGHT," ani Shine nang ihatid siya ni Luke sa labas ng silid niya.
"Matulog ka na din,"
"Pumasok ka na,"
"Sabi ko nga," at inabot na niya ang pintuan.
"Sandali pala," pigil ni Luke.
"Bakit?"
Isinandal siya nito sa dingding at siniil pa ng halik sa labi na buong puso naman niyang
tinugon."Seryoso, matutulog na 'ko," aniya at hinaplos ang mukha nito.
Kinuha naman ni Luke ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya.
"Alright, good night,"
"Happy birthday ulit,"
... ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfic❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...