#59

396 28 1
                                    

CHAPTER #59

"Sorry naman, insan. Desperate lang,"

"Don't tell me kakalabanin mo si Luke?"

"Siyempre, hindi. Hindi pa naman 'yon magdadalawang-isip na saktan ako kahit
magpinsan kami. I'm sorry, Shine. Forget what I said."

Hindi niya alam kung pa'no magri-react. Papaano nila nakukuhang mag-usap sa harap
niya tungkol kay Luke na tila hindi siya nito iniwan at sinaktan nang sobra?

"Pagbigyan mo na lang kasi si Granny."

"No way!"

"Eh ano'ng tulong naman ang gusto mo?"

IT was a long day for her. Hindi siya makapaniwalang maraming nangyari sa loob ng
isang araw lang. Ewan ba niya pero nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang
makilala pa niya si Luke ayon sa mga taong malalapit dito.

Yet the fact still remains na hindi pa rin niya nalaman ang tunay na dahilan kung bakit ito
umalis. Ang buong akala kasi niya kapag naayos na ang lahat, pag-uusapan na nila ang
tungkol sa kanilang dalawa.

Pupunta kaya siya sa kasal nina Kuya Quen?, tanong niya sa sarili.
Aaminin niya, umaasa siya na dadating ang isang araw na magkikita ulit sila nito.

"Kamusta ang lakad niyo ng Ate mo?" tanong ni Aling Cynthia pag-uwi niya.

"Nag-enjoy po ako, Nay, kahit nakakapagod. At alam niyo po ba? Nakausap ko si Mrs.
Barber. Ang dami naming napag-usapan tungkol kay Luke."

"Akala ko ba galit ka sa kanya?"

"Na-realize ko po kasi na masyado ko siyang mahal para magalit sa kanya. Ayoko naman
pong husgahan si Luke dahil lang sa nangyari. Kahit wala mang kapalit, mamahalin ko
pa din siya. Masakit pero ganun naman po ang pagmamahal, 'di po ba?"

"Alam mo, anak, tama ka," ani Aling Cynthia at hinaplos ang buhok niya.

"Napakaswerte
ng Luke na 'yon dahil mahal mo sya."
Ngumiti lang siya.

"KAYA pala hindi kayo magkasama ni Sir Luke ngayon kasi umalis siya," ani ylona.

Dinalaw siya nito sa Virusca Jinri at ipinasyal naman niya ito sa paligid ng orchidarium.

"Bakit, kung nandito lang ba siya siguradong magkasama kaming dalawa?" tanong niya
at malungkot na ngumiti.

"Hindi nga ba?"

"Ewan ko."

"Bakit ewan?"

"Umalis siya nang hindi ko alam ang dahilan gayong sinabi niyang mag-uusap kami kapag
naayos na ang lahat. Nangako pa nga akong hihintayin ko siya,eh."

"Eh baka naman kasi hindi pa talaga maayos ang lahat."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kina Sir Quen siguro, oo, pero baka sa kanya, may mga kailangan pa siyang ayusin sa
sarili niya kaya kinailangan muna niyang umalis pansamantala. Ano naman ang malay
natin, baka bukas balikan ka niya mismo."

Napaisip si Shine. Posibleng tama si Ylona. Baka nga iyon ang dahilan ni Luke.

"Sinasabi mo bang mahal din ako ni Luke?"

"Hindi lang mahal, mahal na mahal. Kaya hintayin mo lang siya, Shine. Malakas ang
kutob ko na hindi lang kayo hanggang dito."
Kunwari umirap siya.

"Bilisan niya ang pagbalik kung ganun,"

Tapos natawa silang dalawa.

"MISS Shine, may bisita po kayo,"

Napatigil sila sa pag-uusap nang lumapit si Yasii na kasunod si Nikko. Pumormal ang
anyo ni Shine at nagpaalam naman kay Ylona.
Sa opisina niya sila nag-usap.

.... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon