#61

386 31 5
                                    

CHAPTER #61

Patakbo niyang tinahak ang damuhan na pababa ng ilog. Wala siyang nakitang kotse sa
tabi ng kalsada. Hindi ba dinala ni Luke ang sasakyan nito?

Pagdating niya sa ilog, ini-expect niyang makikita niyang nandoon na sa ilog si Luke
pero nadismaya siya.

Bukod sa kanya, wala nang iba pang nandoon.
Napalinga siya sa paligid.

"LUKE?"

Nalaglag ang mga balikat niya. Baka nga wala naman talaga si Luke at may gusto lang
manloko sa kanya. At hindi iyon nakakatuwa.

Feelings niya ang involved doon. Kung
bakit kasi pagdating sa binata ay wala siyang pag-aatubili.

Kung bakit kasi hindi kita kayang kalimutan.. .
Naiyak na naman siya. Aalis na sana siya nang biglang may malalakas na bisig na
yumakap sa beywang niya mula sa likuran.

Bigla na naman ang pagtambol ng dibdib
niya. Hindi niya pwedeng kalimutan ang pamilyar na pakiramdam na iyon.

Nararamdaman lang niya iyon kapag magkalapit sila ni Luke.

O baka naman imahinasyon lang iyon?

"I've been missing you like crazy did you know that?"
Mariin siyang napapikit.

Hindi siya pwedeng magkamali. Boses ni Luke ang narinig
niya.

"Luke, ikaw ba 'yan?"

"Bumalik ako para sa'yo. I hope it's not yet too late for us to start. I love you,Shine. So
much." Napaluha siya.

"Luke,"
Humarap siya dito at hinawakan ang mukha nito na tila naninigurado. Si Luke nga ang
lalaking kaharap niya wala nang iba.

"I love you, too," at niyakap niya ito nang mahigpit.
Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong pa niya.

"Pasensiya ka na kung umalis ako nang walang paalam," umpisa ni Luke at hinaplos
nang paulit-ulit ang buhok niya.

"Dahil ba sa ipinakulong ka ni Nikko?"

"Hindi sa ganun. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ginawa 'yon,eh. Kagaya ko,
mahal ka din niya. He even told me na girlfriend ka niya at plano ka niyang yayaing
magpakasal."

"Sinabi niya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes. Isipin ko pa lang na papayag kang magpakasal sa kanya nasasaktan na 'ko. You see,
I can't imagine my life without you. I always knew you're the only one I want to spend
the rest of my life with since I first saw you."

"Hindi ka naman siguro naniwala kay Nikko, 'di ba?"

"Siyempre, hindi."

"Pero bakit umalis ka pa rin?"

"Para tapusin ang kontrata ko at magresign sa kompanyang pinagtatrabahuan ko para
makasama na kita. Ang totoo they gave me a bigger offer para lang magrenew kaya lang
hindi ko tinanggap."

"Luke, sayang din 'yon,ah?" hindi makapaniwalang sabi ni shine.

"Mas malaki ang sasayangin ko kapag hindi pa kita nakasama,"

sabi naman ng binata at
kinintalan ng halik ang noo niya.

"Hindi ba mas gusto mo dun sa Amerika?"

"Not until I met you. Hindi ako nag-atubiling i-give up 'yon para sa'yo. Kung hindi ka pa
dumating sa buhay ko hindi ko pa malalaman kung ano ang gusto ko. Thank you so
much, Shine. Palagi kitang tinatanong kay Liza. She told me na kung hindi pa 'ko
uuwi baka ipagpalit mo na 'ko sa iba. Na-threaten tuloy ako."

"Malabo 'yon," napangiting sabi niya.

"Really?"

.... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon