#11

461 40 5
                                    

CHAPTER #11

SUMAMA ka na sa 'min,Shine. Wala talaga kasi kaming magawa kaya mamamasyal kami sa
ilog. Tsaka 'di ba hindi na natin 'to nagagawa nang madalas? Kaya sige na, sa hapon na lang tayo
magsimba,"

Linggo noon at umuwi na naman si Shine sa bahay ng Nanay niya dahil iyon ang isa pang
araw na makakauwi siya kapag may day off siya.

Dalawang araw kasi ang pahinga niya sa
isang linggo kaya maswerte siya.

"Pagbigyan mo na ang dalawang 'yan, Shine. Mukhang miss na miss ka na,eh," si Aling
Cynthia.

Sinadya pa kasi siya ng mga kababata niya na sina Fenech at Rita.

"O, sige na nga," sabi naman niya."Kayo 'yan,eh. Alangan namang tanggihan ko kayo?"

"Ay, yes!" anas ng dalawa.
"Aling Cynthia, aalis na po kami, ha?" si Rita.

"Sige, mag-iingat kayo,"

INIHINTO ni Luke ang kotse sa tabi ng kalsada nang may makita siya. Nagru-roadtrip siya nang
araw na iyon at nilibot niya ang isang hacienda na pagmamay-ari ng Lolo niya.

Tumambad sa kanya ang napakalawak at malagong damuhan sa baba.

"Wow," anas niya.
Magandang idea kung magpapalipas siya ng oras doon. Kinuha niya ang sketchpad at
lapis sa kotse at sumandal sa malaking puno doon.

Somehow he found peace. Isa ang kapaligiran sa nami-miss niya kapag out-of-the- country siya. At kahit ngayon lang, kakalimutan niyang may misyon siya. Just a break
kumbaga.

Sinimulan niyang iguhit ang magandang view sa harap niya.

ANG usapan ay mamasyal lang sila pero ang gandang tingnan ng tubig kaya natukso silang
maligo.

"Grabe, na-miss ko 'to," ani Shine.

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon