CHAPTER #43
"IKAW Shine, ano naman ang pinagkakaabalahan mo?"
tanong sa kanya ni Ylona nang
tulungan niya itong magligpit ng pinagkainan nila.Iniwan muna nila sa kubo sina Alejandro at Luke.
"Manager ako ng orchidarium na pagmamay-ari ni Kuya Quen. Pinalitan ko si Ate
Liza nang magresign siya,""Wow! Alam mo mahilig din ako sa orchids. Si Nanay kasi may mga tanim din sa bahay."
"Kung ganun kapag may pagkakataon, pasyal ka dun sa Virusca Jinri. Magugustuhan
mo dun tiyak. Kaya lang tingin ko malayo 'yon dito sa rancho at sa farm.""Okay lang. Matagal na rin naman akong hindi nakakalabas dito,eh."
"Walang problema."
"Kung hindi ka girlfriend ni Sir Luke, ano ka niya? Alam ko may something sa inyong
dalawa na hindi ko maipaliwanag," nanunuksong sabi pa ni Ylona.Hindi niya naiwasang mahawa sa ngiti ni Ylona. Kung alam lang nitong nandoon siya
bilang kidnap victim pero tiyak na hindi ito maniniwala kapag sinabi niya."Magkaibigan lang kami ni Luke,"
"Ah, magkaibigan sa ngayon pero bukas magka-ibigan na 'yan panigurado,"
Tinawanan na lang niya ito.HAPON na nang magpasya silang bumalik na sa rancho.
"Tara, palitan na natin 'yang bandage mo," sabi niya at inalalayan itong umakyat sa silid
nito."Kailangan pa ba?"
"Siyempre naman. Pa'no ka mabilis na gagaling niyan?"
Pinaupo niya ito sa kama."Patingin nga,"
"Sure, Doc. 'Yon lang pala,eh," at inangat nito ang suot na t-shirt.
Bakit ba hindi ito nagmodelo? Aaminin niya, ang mga tipo ni Luke ang pangbillboard at
magazines. He is absolutely sexy."Mabuti naman at hindi na dumudugo," aniya.
"Sabi ko naman sa'yo magaling na,eh,"
Kinuha niya ang first aid kit at tinanggal ang benda nito.
"Sabihin mo kapag masakit, ha?" aniya.
"Ano'ng akala mo sa'kin anak mo?" amused na sabi ng binata.
"Para ka kasing bata,eh. Hayaan mo na,"
"Thank you,"
"Para saan?" tanong ni Shine na bahagya itong sinulyapan.
"Para dito. Para sa pagsama sa 'kin kanina sa farm at sa personal na pag-aasikaso."
"Wala 'yon. Nag-enjoy naman ako kanina,eh. Nakalimutan ko ngang kidnap victim pala
ako dito,"
She heard him chuckled."May sense of humor ka din pala,eh," anang binata.
"Nagulat nga ako,eh. Tumatawa ka din pala?" Pagkatapos palitan ang bandage nito ay iniligpit na rin ni Shine ang first aid kit.
... ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...