#22

442 38 15
                                    

CHAPTER #22

Tinatanong niya ang sarili niya kung bakit niya hinayaang haplusin ng pangahas na iyon
ang bahagi ng katawan niya?

Bakit ba siya nagpadala? Bakit siya nagpaubaya? Bakit hindi na lang niya ito iniuntog sa
bato?

Ang daming bakit sa isipan niya pero wala nang silbi ang mga iyon dahil nangyari na.
Hindi ka pwedeng mahulog sa lalaking 'yon, Shine. Hindi pwede,

"NGAYONG gabi ka na pupunta ng Baguio?" gulat na ulit ni Shine.

"Ganun na nga," ani Quen.

"Susundan mo si Ate Liza?"

"Gustuhin ko man pero hindi pa pwede sa ngayon. Pupunta lang ako dun dahil nandun si
James. Paaaminin ko siya sa nalalaman niya,"

"Kailan ka naman babalik?"

"Hindi ako sigurado. Ipagdasal mo 'ko,Shine, ha? Si Jamez na lang ang pag-asa ko,"

"Papa'no 'yong lalaking naghahanap sa'yo?"

"Hindi niya malalaman na pupunta na 'kong Baguio. Kapag wala siyang makuhang
impormasyon, titigilan ka na niya,"
Tumango siya.

"Sana gabayan ka sa gagawin mo, Kuya,"

"Salamat. Magpapaalam lang ako kay Nay Cynthia at tutuloy na rin ako. Ikaw na ang
bahala sa Virusca Jinri habang wala ako,"

"Sige, Kuya. Wag kang mag-alala,"

"Mag-iingat kayo,"

"Ikaw din,"
Hinatid nilang mag-ina sa labas ng bahay si Quen. Ang hindi nila alam, may isang taong
lihim na nagmamasid sa kanila di-kalayuan.

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon