CHAPTER #20
"Hey, hindi ko na kasalanan kung maliit ang mundo. And I supposed na hindi naman
sa'yo ang property na 'to so kahit sino pwedeng puntahan 'to. Kahit sino. Kahit ako,"
Napataas lang ang kilay niya. Ayaw man niyang aminin, tama ito."At hindi ba sinabi ko ring magkikita ulit tayo? Ito na nga 'yon,"
Hindi na talaga siya natutuwa. Tumayo na siya para umahon."Kailangan mo ng tulong?"
"'Wag mo nga 'kong kausapin!"
"Ang taray,"
Pagtapak niya sa isang bato, dumulas ang isang paa niya dahilan upang mawalan siya ng
balanse.Siguradong babagsak siyang muli sa tubig at tatama ang katawan niya sa
matigas na bato.
Pero hindi nangyari iyon dahil may malalakas na bisig ang humawak sa kanya."Ang bigat mo!" si Luke na siyang nawalan ng balanse kaya dalawa silang tuloy-tuloy
na bumagsak sa tubig.Habol ni Shine ang paghinga nang umangat siya. Tiningnan niya si Luke na nakalutang
at hindi gumagalaw.
Sinalo siya nito at ngayon ay basa na rin ito."Hoy, lalaki," tinapik niya ito pero hindi man lang ito natinag."Hoy, ano ba?"
Kinabahan siya.Hindi kaya tumama ang ulo nito sa bato kaya nawalan ito ng malay at
hindi lang niya napansin dahil sa sobrang bilis ng pangyayari?
Natutop niya ang bibig."Naku po!"
Dinala niya ang katawan nito at isinandal sa malaking bato. Tinapik ng isang kamay niya
ang pisngi nito."Hoy, gumising ka,"
Hindi pa rin nagmumulat si Luke. Nagsisimula na siyang magpanic.Ano ba ang dapat
niyang gawin para bumalik ang malay nito?Pero hindi ako marunong mag-CPR,
Napalunok siya."Bahala na,"
Napatitig siya sa mukha nito. Kung bakit kasi parang nang-aanyaya ang mga labi nitong
halikan niya.
Hindi ko nga siya hahalikan, CPR lang!... ITUTULOY...
.... Note,,, Hahaha Naiihi Ako Sa Subrang Kilig... JOWA JOWA JOWA HAHAHAH....
... Bukas Ulit Byeeeeeeehahahahah...
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...