CHAPTER #53
"Tell me, Luke, pa'no mo nalaman lahat ng 'yon?"
"'Yon? May nagchika lang sa 'kin ng mga 'yon. Hindi ko naman alam na totoo pala,"
"Hoy, pakawalan niyo 'kong dalawa dito!"
"Don't tell me tsismoso ka na ngayon?"
"Ngayon lang naman."
And for the first time in history, nakapag-usap sila bilang malapit na magkapatid.ANO na kaya ang nangyari sa dalawang 'yon? Ilang araw na mula noong sinundan ni Luke si
Quen sa Baguio pero ni isa man sa mga ito ay hindi niya nakausap. Nagtagumpay kaya ang mga
ito?Nasa ganoong pag-iisip siya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong
dinampot sa mesa niya para lang magulat. Galing sa Kuya Quen niya ang tawag!"Kuya!"
"Hi, Shine. Tapos na rin sa wakas. Sinabi na ni James ang totoo. Haharapin ko na ang
pamilya ko. Malilinis ko na rin ang pangalan ko. And hopefully, tanggapin pa rin ako ni
Liza pagkatapos ng mga nangyari,"
Napamaang siya."Kuya.. ." natutop niya ang bibig."Masayang-masaya ko para sa inyong dalawa! Sa
wakas, magiging masaya na rin kayo ni Ate Liza,""Tingin mo ba may pag-asa pa kaming dalawa?"
"Oo naman! Kung alam mo lang, Kuya. Kahit kailan hindi ka nawala sa puso ni Ate
Liza,""Wish me luck, okay?"
"Oo naman. Ahm, Kuya.. ."
"Ano 'yon, Shine?"
"Kamusta na si Luke?"
"Si Luke?"
Kahit hindi nakikita ni Shine ay alam niyang nakangiti ang Kuya niya.
"He misses you a lot. Hindi na daw siya makapaghintay na makauwi para makita ka."
"Nasaan ba siya?"
"Kausap si Vivoree, kaibigan niya."
Mabuti pa ang ibang tao kinakausap nito.
"Sige, Kuya. Hindi na 'ko makapaghintay na makita ka. Mag-iingat kayong dalawa,ha?"
"No problem. Kayo din diyan. Marami tayong dapat pag-usapan pagbalik ko,"
"I TOLD you, Luke, ikaw ang mauunang magpakasal sa ating dalawa pagkatapos ni Enrique,"
wika ni Marco. Magkausap sila sa cellphone habang nagda-drive si Luke papunta sa Virusca Jinri nang araw na iyon.
"Bakit ba ang hilig mong magsalita nang tapos Marco?"
"May masama ba dun?"
"Hindi mo alam 'yon?"
"Hindi,"
"Baka kasi ikaw imbes na ako."
Bigla siyang napahinto nang may humarang sa daanan niya. Mga pulis.
"What the--"
"Ano'ng problema?" tanong naman ni Marco.
"Tatawagan kita mamaya,"
Ibinaba niya ang bintana ng kotse nang lapitan siya ng isa sa mga pulis."Ikaw ba si Edward Luke Barber?"
"Ako nga. May problema ba?"
"Inaaresto ka namin for abduction,"
... ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...