CHAPTER #44
"Ano ang gusto mong gawin pagkatapos nito?" tanong ng binata.
"Inantok ako. Gusto ko sanang matulog. Eh ikaw?"
"Gusto ko sana kapag natulog ka tatabi ako sa'yo,"
Salubong ang kilay na napatitig si Shine kay Luke."Nagpapatawa ka?"
"No, I'm serious,"
"Wala kang gagawing masama sa'kin?"
"I'll try my very best,"
"Ano'ng I'll try? Upakan kita diyan,eh," angil naman ng dalaga at nahiga siya nang
pahalang sa kama."Tabi tayo, ha? Kwarto ko naman 'to,eh."
"Sandali,"
Bumagon siya at naglagay ng mga unan sa gilid niya."Bakit may harang pa?" reklamo ni Luke.
"Naninigurado lang. Mahirap na,"
Dahan-dahan naman itong tumabi sa kanya at napagitnaan na nila ang mga unan.
"Yong sugat mo, ingatan mong 'wag maipit,"
"Okay na nga 'to. Alam mo na-realized ko, masarap din pala na may nag-aalala sa'yo,"
"For sure ang Mommy mo nag-aalala sa'yo,"
"Kaso ayokong nag-aalala sila ng Granny ko,"
"Hindi mo ipinaalam na naaksidente ka sa kabayo, 'no?"
"Hindi nga,"
"Selfish ka kasi,"
She was surprised when he took her hand and brought it to his lips.Magtatanong pa
sana siya kaya lang ay nagpikit na ito ng mga mata.Napangiti pa siya bago ipikit din ang
sariling mga mata.NAGSIMULA nang magdilim sa labas nang maalimpungatan si Shine.
Awtomatikong napatingin
siya kay Luke. Gising na ito pero nanatili lang na nakahiga."Luke, kanina ka pa gising?"
"Mga kalahating oras pa lang,"
"Ha?" anas niya."Kanina ka pa pala gising tapos hindi ka man lang bumangon?"
"Wala pa 'kong gana,eh. Tsaka gusto ko pang pagmasdan ka habang natutulog,"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I've been watching you habang tulog ka,"
"Sira!" aniya at bumangon.
Si Luke naman, umunan pa sa mga palad nito."Totoo 'yon. Gusto pa nga sana kitang halikan kaso baka magising ka at upakan mo 'ko."
Dumampot siya ng unan at akmang ihahampas dito.
"Magsabi ka ng totoo, may ginawa kang masama sa 'kin, 'no?"
"Hoy, wala,ah! Takot ko lang na upakan mo nga 'ko. Tsaka maawa ka naman sa
kalagayan ko,"Inirapan niya ito. Idahilan pa talaga nito ang kalagayan nito?
"Bumangon ka na nga diyan, Edward Luke Barber,"
"Ibaba mo muna 'yang unan mo,"
Ibinaba naman niya iyon."O, masaya ka na?"
Nagtangkang bumangon si Luke pero bigla na lang nitong nasapo ang tagiliran.
"Aray," sabi nitong napangiwi.
"Hoy, ayos ka lang?" ani Shine at mabilis naman itong dinaluhan.
"Hindi. I-kiss mo nga 'ko para maging okay na 'ko."
Walanghiya naman. Niloloko lang pala siya nito!
"Isa pa, Edward Luke Barber, tatamaan ka na talaga sa 'kin!" paasik na sabi niya pero ang
totoo naman ay matatawa na siya."Matagal na kaya 'kong tinamaan sa'yo,"
"Ano'ng sabi mo?"
"Wala. Ang sabi ko gusto ko nang bumaba,"
"Halika. Sabay na tayo,"
Matapos lang ng ilang araw ay tuluyan nang gumaling si Luke.Hindi na ito muling
sumakay ng kabayo pero may pinupuntahan naman itong hindi alam ni Shine.Tsini-check naman niya ang Vurusca Jinri from time to time at mabuti na lang ay wala
namang nagiging problema.Iyon nga lang, nagsisinungaling siya sa Nanay niya dahil
ayaw niyang mag-alala ito.Umaasa siya na ma-contact na niya ang Kuya Quen niya para maayos na ang lahat sa
lalong madaling panahon..... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...