#8

424 37 6
                                    

CHAPTER #8

"Hindi ko alam,"

"Imposible naman 'yon,"

"Hindi ko nga talaga alam, Sir,"

"Then nasa'n siya? Ako na lang ang pupunta sa kanya kung ganun," tanong pa ng binata.

"Hindi ko din alam kung nasa'n siya,"

"Amo mo hindi mo alam kung nasa'n? Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Oo. Ikaw, talaga bang business lang ang dahilan kung bakit mo siya hinahanap?" ani
Shine.

"Siyempre naman. So pwede ko bang makuha ang contact number niya?"

"Hindi ko pwedeng ibigay sa'yo, I'm sorry,"

"Dahil wala kang tiwala sa 'kin?"

"Hindi naman sa ganun. Bumalik ka na lang sa ibang pagkakataon, kapag pwede na
siyang kausapin. Excuse me," at tumalikod na si Shine.

"Pwes hindi ako naniniwalang hindi mo alam kung nasaan si Enrique Barber," diretsong
turan ni Luke.

Natigilan si Shine at hinarap uli ito. Sinasabi na nga ba niya.

"Don't tell me na wala kang ideya na pinaghahanap siya ngayon?"

Hindi basta-basta ang lalaking kaharap niya. Napag-utusan ba itong hanapin ang Kuya
niya?

"Siyempre, alam ko. Iyon ang dahilan kung bakit hindi available ang amo kong makipag- usap kahit kanino. At kung nandito ka para hanapin siya, wala kang mapapala. Siguro
naman sapat na 'yon para umalis ka?"

"Hindi ako naniniwala sa'yo,"

"At lalong wala akong tiwala sa 'yo,"

Ngayon alam na ni Shine na dapat mag-ingat si Quen sa lalaking ito.

... Itutuloy...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon