#27

394 35 2
                                    

CHAPTER #27

Hindi nagtagal ay iniwan na siya nito. Tinungo na niya ang banyo. Buong buhay niya ay
hindi pa niya naranasang magkaroon ng shower at jacuzzi sa banyo.

Ibang klase talaga ang mga Barber.
Nang bumaba siya sa engrandeng sala, hinanap ng tingin niya si Luke. Nasaan kaya
ito?

Galit nga pala ako sa kanya, bakit ko ba siya hinahanap?
Dumiretso na lamang siya sa kusina.

"Upo ka, Shine," sabi ni Manang Malou.

"Nagbilin si Senorito Luke na asikasuhin ka
kaya kaming bahala sa'yo,"
May isa pang kusinera ang naghanda ng pagkain niya.

"Kaya ko na po 'yan," aniya.

"Hindi, trabaho ko po ito,"

"Si Luke po nasaan?"

"Nasa rancho kasama ng mga trabahador o baka nasa kapehan. Wag kang mag-alala,
makikita mo din 'yon mamaya,"

Kung pwede nga lang sanang hindi ko na siya makita,
Pagkatapos niyang mag-almusal ay nagpaalam siyang mamasyal pero ang totoo ay
hahanapin niya ang daan pauwi. Bahala na, basta aalis siya doon.

NAPAMAANG siya. Napakalawak ng rancho, sa'n siya nagsisimulang hanapin ang daan?

Sabi ko nga 'di ba, bahala na?
Naglakad-lakad na siya pero hindi niya maiwasang pagmasdan ang paligid.

Napakaganda
ng rancho at masarap sa pakiramdama ang simoy ng hangin.

"Shine,"
Napalingon siya at nakita niya si Luke na nakasakay sa itim na Stallion and yes, he
looked magnificent on top of it. Pero pakialam ba niya? Mas importante pa ba iyon
kaysa makauwi siya?

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon