CHAPTER #58
"PAREHONG sweet ang magkapatid na 'yon. At si Luke ilang beses na niya kaming ginawan ng
Lola niya ng portrait kahit walang okasyon. Ipapakita ko sa'yo minsan, gusto mo?""Sige po,"
"Do you know that he's a camera-shy?"
"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Kaya nga kaunti lang ang mga pictures niya noong mga bata pa sila ni Quen. Ito
namang Kuya niya ang game na game kapag may picture-taking at siya naman, kailangan
pang pilitin. Kaya nga nung may nag-offer sa kanyang magmodelo ay tinanggihan niya
agad. Mas gusto niyang mapag-isa at magdrawing hanggang sa magsawa siya.""Kaya po ba ilan lang ang nakakaintindi sa kanya?"
"Tama ka," sang-ayon naman ni Jinri.
"At hindi rin siya palakwento sa mga
nangyayari sa kanya lalo na kung hindi maganda dahil ayaw niyang nag-aalala kami.""Kaya hindi niya sinabi sa inyong nahulog siya sa kabayo noong nasa rancho pa kami."
"Ano'ng sabi mo, hija?" gulat na tanong ni Jinri.
"Nahulog ho siya sa kabayo noong nasa rancho pa kami at kahit nasugatan siya, hindi po
siya nagpadala sa ospital. Hindi niya sinabi sa inyo dahil ayaw ho niyang mag-alala kayo."
Napailing na lang ang ginang."Hindi na siguro ako dapat magulat pa. Hindi ko na siguro mababago kay Luke 'yon."
"Pero mahal na mahal ho niya kayo,"
"At palagi niyang pinaparamdaman 'yon,"
"MUKHANG napasarap ang usapan niyo ni Mommy, ah?" ani Quen nang bumisita din sila pati sa
mansyon ng mga ito."Si Luke ang pinag-usapan namin, Kuya," ani Shine at kiming ngumiti.
"She adores you,"
"Ang bait-bait niya, 'no?"
"She's the best, Shine."
"Enrique, you've got to help me!"
Hindi kilala ni Shine kung sino ang lalaking bigla na lang dumating at mukhang bothered
pa ito."Marco, what are you doing here?"
"Si Granny kasi,eh. Pilitin ba 'kong i-date ang bratinelang anak ni Mr. Peralejo?"
"Sino, 'yong Heaven?"
"Exactly! Madikit nga lang sa 'kin 'yon pakiramdam ko magpapantal na 'ko, date pa
kaya? This is obviously crazy!""Magrelax ka nga, Marco,"
"Sabihin mo nga, pa'no ko gagawin 'yon?"
"Ang weird naman kung magrereto si Granny sa'yo ng mga ganoong tipo?"
"Kapag natuloy 'to, Quen, mababaliw na talaga 'ko!"
"Naipakilala ko na ba sa'yo si Shine?" pag-iiba ni Quen.
"The one whom I owe a lot with.
Shine, this is Marco.""Hello," kiming bati ni Shine.
"Hi, Shine," amazed na sabi ni Marco.
"Did you know Luke used to talk a lot about you?
I'm glad to meet you, finally."Gaya nina Quen at Luke, Marco is a demigod in his own unique way. Iyon nga lang, ito
ang tipong may pagkababaero."T-talaga?"
"Yeah. Will you be my girlfriend?"
Napamaang siya. Ano daw?"Marco, ano ka ba?" sita naman ni Quen dito.
.... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...