#3

663 43 4
                                    

CHAPTER #3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER #3

"Masyadong personal ang isyung ito para ipaubaya sa ibang tao. At bilisan mo dahil
lagot ang Kuya mo kapag naunahan siya ng mga tauhan ni Luis. No buts, Luke. And
that's an order," pagkasabi ay tumalikod na si Tanner.

Lalong nakuyom niya ang kamao. There's no way na matatakasan pa niya ang gulong ito.

"Luke, I'm so sorry. Sinubukan kong baguhin ang isip ng dad mo pero ayaw niyang
makinig."

"It's okay, Mom," sabi naman ni Luke na napabuntong-hininga.

"Ibabalik ko si Kuya
Quen kahit ano'ng mangyari, ipinapangako ko 'yan sa'yo."

"Luke, how's everything there? Sinabi sa'kin ni Tita Lorna ang nangyari. I'm so sorry about
what happened to Quen," si Bailey na nag-long distance call pa.

Pinsan nila si Bailey na naka-settle sa Amerika for twelve years.

"Hindi maganda, Bailey. Ako ang napag-utusang maghanap kay Kuya at wala akong
choice."

"Oh," and he paused for a moment."So hindi ka pala agad makakabalik dito?"

"Yes, Bailey, ganun na nga."

"If I were Quen baka nga 'yon din ang gagawin ko. This is unimaginable pero kaya mo
'yan. I believe in you, Luke."

"Thank you but honestly, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala ni isa man sa
amin dito ang may idea kung saan siya pwedeng magtago."

"Come on, Luke. Isa kang Barber, walang imposible sa'yo."

"Kung sinasabi mo 'yan para palakasin ang loob ko, salamat."

"No problem. Basta bilisan mo lang para makabalik ka na dito."

"TOTOO ba 'to?" hindi makapaniwalang sabi ni Shine habang hawak-hawak ang isang diyaryo.

Nabasa kasi niya sa headline ang eskandalo sa hindi pagsipot ni Quen sa kasal nito kay
Nadine.

"Bakit naman kailangang malagay sa diyaryo?"

"Iyan ang disadvantage ng pagiging kabilang sa alta-sociedad, Shine. Kung sana
pinaniwalaan lang ako ni Dad, hindi naman aabot sa ganito,eh."

Hindi mapigilan ni Shine ang maawa kay Quen. Higit pa sa tunay na magkapatid ang
turing niya dito at labis siyang nasasaktan dahil sa sinapit nito at ng pag-iibigan nito at
ng Ate Liza niya.

"Kuya, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Lalabas at lalabas din ang totoo.
Matatapos din 'to."

"Sana nga, shine. Ayokong tuluyang mawala si Liza sa 'kin. Hindi ko kaya. Mahal na
mahal ko siya. Kung may babae man akong gustong pakasalan, siya lang wala nang iba.
Siya lang ang pinapangarap kong maging ina ng mga anak ko at gusto kong makasama
habang nabubuhay ako."

"Kuya,"
Lumapit si Shine at niyakap ito.

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon