#45

398 32 3
                                    

CHAPTER #45

"SHINE, hija, may itatanong ako sa'yo," si Manang Malou nang tulungan ito ng dalaga na
magluto.

Wala si Luke dahil may nilakad ito.

"Ano po 'yon?"

"Alam mo ba kung ano ang meron bukas?"
Napakunot-noo siya.

"Wala ho akong ideya,"

"Birthday ni Luke bukas,"

"Talaga ho?"

"Tama ang narinig mo. Kaso ang napansin ko lang sa batang 'yon hindi nagsi-celebrate
ng birthday niya, ewan ko ba. Special na araw dapat sa kanya iyon pero para sa kanya
parang wala lang,"

"Salamat na rin po sa pagpapaalala, Manang. Hayaan niyo, mag-iisip ako ng pwedeng
gawin para sa kanya,"

"Magsabi ka lang at tutulungan kita,"

"Sige po. Salamat po," malapad ang ngiting sabi niya.

Napaisip tuloy siya. Paano ba niya ito mabibigyan ng simpleng sorpresa?

INILIBOT ni Luke ang tingin sa buong kabahayan nang dumating siya. Nanggaling na naman
siya sa art gallery pero pinaalala ng Mom at Lola niya na birthday niya kaya lumabas siya
kasama ang mga ito kaya inabot siya ng gabi.

"Manang, nasaan ho si Shine?" tanong niya nang dumiretso siya sa kusina pagkagaling
niya sa itaas.

"Wala ba doon sa kwarto niya?"

"Doon na po ako nanggaling,eh,"

"Bakit hindi mo puntahan doon sa likod ng mansiyon? Baka nandoon lang 'yong batang
'yon,"

Patakbo siyang pumunta doon. Ewan ba niya at may nagpanic sa loob niya nang hindi
abot ng paningin niya ang dalaga.

"Shine!"

"Nandito lang ako, Luke,"
Lumabas si Shine sa likod ng malaking puno at napalingon naman si Luke sa direksyon
niya.

"Ang akala ko--"

"Happy birthday,"

Noon lang niya napansin ang hawak na cake ni Shine at may maliit pang nakasinding
kandila.

"What?"

"Happy birthday sabi ko,"

"Pa'no mo nalamang birthday ko?"

"Sinabi ni Manang Malou. Sige na, magwish ka na tsaka hipan mo na 'tong kandila,"
Naiiling na hinipan naman iyon ng binata.

"Happy birthday ulit!"

"Alam mo hindi talaga ako nagsi-celebrate ng birthday ko matagal na,"

"Bakit naman?"

"Wala kasi akong makitang rason para magcelebrate,"

"Luke, dapat maging thankful ka kapag dumadating ang birthday mo."

"Okay. Pero alam mo, hindi ito ang ini-expect kong madadatnan. Ang akala ko talaga--"

"Na tinakasan na kita?"

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon