#54

382 31 3
                                    

CHAPTER #54

"Abduction?" gulat na ulit niya.

"Abduction sa girlfriend ng anak ni Congressman Alonzo na si Nikko, si Shine Marydale Entrata,"

"SHINE,"

Napakaseryoso ng mukha ni Quen kaya lalong kinabahan si Shine. May masamang balita
kasi ito tungkol kay Luke.

"Diretsahin mo na 'ko, Kuya. Ano ba talagang nangyari kay Luke?"

"Papunta na sana siya dito para makita ka ang kaso bigla na lang siyang hinuli ng mga
pulis."

"A-ano? Bakit naman siya hinuli?"

"For abducting you. Si Nikko ang nagpahuli sa kanya,"
Natigilan siya. Saka lang niya naintindihan ang lahat. Si Nikko na nga wala nang iba.

Kaya
naman pala ipinaggigiitan nito na may kumuha sa kanya. Pero ang ipahuli si Luke nang
walang kalaban-laban?

"Wala siyang karapatang gawin 'yon," aniyang napaluha.

"Pero nakalaya din naman siya, Shine. Hindi legal ang paghuli sa kanya ng mga pulis,"
Nakahinga siya nang maluwag.

"Kung ganun nasaan si Luke? Gusto ko siyang makita, Kuya."

"Hindi mo siya pwedeng makita ngayon, Shine."

"Pero bakit?"

"He already flew to the States,"
Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala.

"At hindi man lang niya 'ko kinausap? Hindi man lang ba 'ko mahalaga sa kanya, Kuya?"
mapait niyang sabi.

"Shine, I even tried to stop him--"

"Nakuha ko na, Kuya," putol niya."Ito naman talaga ang gusto niyang mangyari kahit
noong hindi ka pa niya nahahanap. Hindi naman talaga ako mahalaga para sa kanya.
Nag-assume ako kahit hindi naman dapat,"

"Shine, for sure may malalim na dahilan kung kaya ginawa ni Luke 'yon."

"Kung ano man ang dahilan niya, labas na 'ko do'n."
Pinahid niya ng palad ang mga luha niya. Ang sakit palang umasa sa wala.

Kung alam
lang niya, 'di sana hindi na siya umasa na babalikan pa siya nito.

"Shine, alam mong ayoko sa lahat eh 'yong nakikita kitang nagkakaganito," ani Quen at
ikinulong siya sa mga bisig nito.

"Kuya, hindi ako ang dapat na isipin mo. Ang mahalaga sa ngayon kayo ni Ate Liza,
hindi ba?"

"'OY, maid-of-honor kita, ha?"
Nagulat si Shine sa ibinalita ni Liza sa kanya nang dalawin siya nito sa bahay nila.

"Ha? Maid-of-honor talaga?"

"Sige na naman. Ikaw lang kasi ang naiisip kong maging maid-of-honor ko. Ang gusto
kasi ng Kuya Quen mo gawing intimate and special kaya pumayag ka na,"

Nag-puppy eyes pa ito sa kanya.

"Ate,"

"Please, Shine?"
She smiled in surrender.

"Sige na nga."

"Yehey! Sabi ko na nga ba papayag ka,eh! Pinasaya mo talaga ako nang sobra, shine,"

"Ate naman. Parang kaya kitang tanggihan diyan."
Niyakap pa siya nito nang mahigpit.

"I love you, Shine!"

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon