CHAPTER #26
"Edward Luke Barber , ikaw ang pinakasinungaling na taong nakilala ko!" asik niya at
tumakbo papasok sa loob.Bumalik siya sa silid niya at nanghalungkat doon, baka sakaling mahanap niya ang
cellphone niya.Kailangan niyang balaan si Quen. Kailangan nitong malaman na ang Tom
na naghahanap dito ay ang kapatid nitong si Luke kaya mas lalo itong mag-ingat."Bakit wala?"
Hindi pwedeng mangyari iyon. Dapat matawagan niya si Quen.NANLULUMONG naupo siya sa sahig. Hindi niya nahanap.
"Ano nang gagawin ko?"
Kapag tumagal pa siya sa lugar na 'yon, siguradong mag-aalala ang Nanay niya. Naiyak
siya."Shine, hija,"
Bumukas ang pinto at pumasok ang may edad na babae kanina."Hindi ka pa kumakain. Baka gutom ka na,"
"Gusto ko pong umuwi,"
"Pasensiya ka na. Wala akong magagawa sa bagay na 'yan. Utusan lang kami, hindi kami
dapat makialam," sabi nito ngunit may bahid ng awa sa boses.
Hindi siya tumugon."Wag ka nang umiyak, Shine. Aakyatan na lang kita ng pagkain dito. Tumahan ka na,"
KINABUKASAN, maaga pa siyang pinuntahan ni Manang Malou para dalhin ang mga
kakailanganin niya."Ito na, Shine, oh. Nandito na lahat ng kailangan mo. Pwede ka nang maligo para
makapag-almusal ka na,""S-salamat po,"
"Sige na bilisan mo na. Napakaganda ng araw ngayon. Ba't di mo subukang mamasyal sa
rancho?".... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...