#41

386 33 1
                                    

CHAPTER #41

"LUKE."

"Uncle,"

Nagkamayan agad ang dalawa nang makarating sila sa nursery kung saan inihahanda na
ng mga trabahador ang mga punlang pwede nang itanim.

Ipinakilala si Shine ni Luke kay Alejandro II, kapatid ito ng ama nila ng Kuya
Quen nito. Ito naman ang namamahala sa buong coffee farm.

"Don't tell me she's not your girlfriend, Luke," ani Alejandro na nakatingin sa mga
magkahawak pa rin nilang kamay.

Kanina pa naiilang si Shine kaya lang si Luke itong ayaw bumitaw and she found it
sweet.

"Hindi pa. Pero malapit na, Uncle,"

"Aba'y 'wag mo nang patagalin. Mahirap nang humanap ng mga kagaya ni Shine na
maganda na eh mukhang mabait pa,"

Nahihiyang ngumiti si Shine nang ngitian siya ni Alejandro. Hindi kasi siya sanay na
pinupuri lalo na sa pisikal.

"Kamusta na ang sugat mo, hijo? I wasn't here nang mabalitaan kong inihulog ka ni
Clover," tanong pa nito nang ipasyal sila nito sa planta.

Doon daw dinadala ang mga na-harvest na kape for the wet process kung saan
tinatanggal ang balat ng kape hanggang sa buto na lang ang matira.

"Okay na 'ko, Uncle. Hindi naman grabe,eh. Magaling yata ang nurse ko," sagot ni
Luke at sumulyap pa sa dalaga.

"Tamang-tama. Sakyan mo uli siya kapag gumaling ka na," biro naman ng matandang Barber na ikinatawa nila maging ni Ylona na sumama din.

"Ano'ng ginagawa nila?"

tukoy naman ni Shine sa mga trabahador na ibinubuhos ang
mga naaning kape sa malaking lalagyan na may lamang tubig.

"Wet processing ang paraan na ginagamit namin dito. Bago yong pulping hinihiwalay
muna namin ang mga magagandang klase ng bunga sa hindi. Kapag lumutang 'yong
bunga, ibig sabihin ihihiwalay na 'yon,"

paliwanag ni Ylona.
Napatango naman siya. Ang dami palang pinagdadaanang proseso ng mga buto ng kape
bago humantong sa tasa ng mga umiinom nito.

"May balita na ba tungkol sa kinaroroonan ni Quen?" narinig pa niyang tanong ni
Alejandro kay Luke.

"Wala pa po, Uncle, pero malakas ang kutob ko na malapit ko na siyang makita,"

Kasunod niyon ay naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.

"Kung ako ang tatanungin mo, iyon na yata ang pinakamaling desisyon na nagawa ng
isang ama sa anak niya. I mean alam kong malaki ang pagkukulang ko kay Bailey pero
sisiguraduhin kong hindi ako ang magiging dahilan nang gulong papasukan niya. But of
course, ayokong husgahan ang dad niyo,"

"I know, Uncle. Kung ako si Kuya baka nga ganun din ang gawin ko. Kaya nga desidido
akong mahanap siya kasi gusto ko siyang tulungan,"

"Well, I hope na mahanap mo siya as soon as possible para hindi na tayo
pinagpipyestahan ng media,"

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon