#60

489 36 12
                                    

CHAPTER #60

"Ano'ng ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong.

"Hindi naman ako pumunta dito para manggulo, Shine. I came here to apologize instead.
I'm sorry for being stupid all this time. I'm sorry for judging you. Alam ko namang hindi
ka ganun,eh. Nasabi ko lang 'yon kasi galit ako that time. Sana mapatawad mo 'ko.
Nagsisisi ako na nasaktan kita. Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako. Alam
kong marami akong nagawang mali sa'yo at gusto kong bumawi."

"Wala na sa'kin 'yon, Nikko."

"I would understand kung galit ka pa sa 'kin hanggang ngayon. And if only Luke is here, mag-a-apologize din ako sa mga abalang nagawa ko. Nakita ko nang
isinakay ka niya sa kotse niya. Gusto kasi sana kitang ihatid mismo sa Virusca Jinri
nang araw na 'yon. Hindi ko alam kung saan ka niya dinala kaya ang akala ko talaga--"

"Nikko, tapos na 'yon," putol niya.

"Sapat na sa 'king malaman na nagsisisi ka na.
Pinapatawad na kita."

"Yeah. I always knew you have a good heart. I'm glad na ayos na tayo bago man lang ako
umalis."
Bahagya siyang natigilan.

"Bakit, sa'n ka pupunta?"

"Sa States. Para naman magamit ko din 'yong pinag-aralan ko."

"Kung ganun I wish you all the best, Nikko. Mag-iingat ka. Hanggang sa susunod,"

"Yeah, 'til next time," ani Nikko at inilahad ang palad.

"Friends?"

"Friends," at tinanggap naman iyon ni Shine.

God is so good. Kahit ganoon ay marami pa ring nangyayaring maganda sa kanya.

DALAWANG linggo na ang nakalipas simula noon pero pakiramdam ni Shine ay parang taon na
ang inabot nang pag-alis ni Luke.

"Kamusta?" salubong ni Aling Cynthia pag-uwi niya at kakaiba ang ngiti nito.

"Okay naman po. Walang bago. Ano hong meron?"

"Anong 'ano'ng meron'?"

"Kakaiba po kasi ang ngiti niyo,eh."

"Ang lakas naman ng instinct mo anak. Pumunta ka sa silid mo, may sorpresang
naghihintay sa'yo."

Wala siyang ideya pero halos liparin niya ang papuntang kwarto niya. Nakita niya agad
ang kwadradong nakabalot sa brown na papel na nakalapag sa kama niya.

Kanino kaya galing iyon?
Out of curiousity, she tore the wrap. Nagulat siya sa tumambad sa kanya. It was a
beautiful painting at hindi siya makapaniwalang siya ang nakapinta doon.

Nasa ilog siya, basa habang nakaupo sa malaking bato at nasa tubig ang tingin.
Gayon na lamang ang pagkabog ng dibdib niya.

Isa lang ang kilala niyang taong pwedeng
gumawa niyon.

"Luke..."

Nagsilaglagan ang mga luha niya pagkabanggit sa pangalan ng binata. Posible kayang
bumalik na si Luke pagkatapos ng dalawang linggo?

Sa ibaba ng painting ay may maliit na note na nakadikit.

FIND ME IF YOU CAN.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Inilapag niya ang painting at lumabas ng kwarto niya.

"O, sa'n ka pupunta?" tanong ni Aling Cynthia.

"Hahanapin ko lang po ang kaligayahan ko, Nay."

"Good luck, anak!"

"Ipagdasal niyo po ako."

Kung pwede lang sanang liparin na lang niya ang papuntang ilog. Hindi na siya
makapaghintay na makita si Luke pagkatapos nitong umalis nang walang paalam.

"Luke,"

Walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. How she missed him.

.... ITUTULOY....

... 🇧 🇺 🇰 🇦 🇸,,, 🇺 🇱 🇮 🇹.....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon