#36

400 32 2
                                    

CHAPTER #36

"Magiging okay siya, Shine. Magiging okay din siya,"
Dinala nila sa silid nito ang binata hanggang sa dumating na ang doktor.

May malalim na sugat si Luke sa tagiliran. Binigyan ito ng doktor ng pampatulog at
nilagyan ng benda ang sugat nito.

"Kamusta po siya, Doc? Bakit hindi ho natin siya dinala sa ospital?" tanong niya.

"Luke will be fine. Nagmana siya sa Lolo niyang ayaw sa mga ospital kaya ganun. But
since hindi biro ang sugat na natamo niya, nag-iwan ako ng mga gamot na kailangan
niyang inumin kapag nagkamalay na siya. Bilang nobya niya, aasahan kong aalagaan mo
siya,"

"Hindi ho niya 'ko nobya pero aalagaan ko po siya,"

"Ah, hindi ba? Sobra kasi ang pag-aalala mo sa kanya kaya akala ko. I'm sorry, hija.
Bueno, itsi-check ko pa rin ang kalagayan niya from time to time. Kung may problema,
tawagan niyo lang ako,"

"Opo, Doc,"

"Good. So pa'no, mauuna na 'ko. Luke's a tough guy. Walang mangyayaring masama sa
kanya,"

Inihatid ni Shine si Dr. Sison sa labas ng mansiyon. Kung tutuusin, pwede siyang sumama
dito palabas ng rancho para makabalik na siya sa kanila at magagawa niya iyon nang
walang kahirap-hirap kung gugustuhin niya.

Pero hindi niya gagawin iyon. Kailangan siya ni Luke ngayon at kahit hindi niya gusto
ang trato nito sa kanya, hindi niya ito iiwan. Hindi ngayon.
Bumalik agad siya sa silid ng binata.

"Luke," umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito.
He was half-naked and still unconscious.

"Magpagaling ka, babantayan kita,"

"Shine, hija," si Manang Malou na pumasok.

"Manang,"

"Hindi ka pa kumakain mula kanina. Bumaba ka muna,"

"Hindi pa naman po ako nagugutom. Dito na lang muna 'ko. Babantayan ko po si
Luke,"

"Magigising din siya, magtiwala ka,"

"Opo,"
Pinagmasdan niya ang mukha ni Luke. Kahit buong araw niyang gawin iyon, hindi siya
mapapagod.

KAILANGAN nang palitan ang bandage ni Luke pero hindi pa din ito nagigising. Nagpasya si
Shine na siya na lang ang gagawa niyon dahil marunong naman siya kahit papaano. Buti na lang
at may first aid kit sa mansyon.

... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon