#38

387 33 1
                                    

CHAPTER #38

"SHINE?"

Agad na binuksan ni Shine ang pintuan ng silid niya nang marinig ang boses ni Luke.

"Luke," aniya."Bakit ka umalis ng kwarto mo?"
Iika-ika pa ito sa pagkilos.

"May gusto kasi akong sabihin sa'yo,eh. Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Pero sana pinatawag mo na lang ako,"

"Bakit ba tinatrato niyo 'kong lumpo? May sugat lang ako. That doesn't mean na disable
na 'ko,"

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang kasi paano ka mabilis na gagaling? Ano ba ang gusto
mong sabihin?"

"Pwede mo ba 'kong samahan mamasyal sa coffee farm bukas? Kung okay lang sa'yo,"

Hindi niya alam kung bakit pero napangiti ang dalaga.

"'Yon lang pala,eh. Walang problema,"

"Thank you," he said shyly.

"Matulog ka na. Ihahatid na kita sa kwarto mo,"

Hinawakan niya si Luke sa braso at iginiya papunta sa silid nito na karugtong lang ng
silid niya.

"Dahan-dahan lang,"

"Kaya ko naman,eh--aray," nasapo na naman nito ang tagiliran nito.

"Wag nang matigas ang ulo mo kasi,"

Binuksan niya ang pinto at inalalayan pa itong maupo sa kama.

"Masakit ba talaga ang sugat mo?" alalang tanong niya.

"Konti. Sige na, matulog ka na din. Okay na 'ko dito,"

"Sigurado ka, ha? Kung may kailangan ka katukin mo lang 'yong dingding,"

"Hindi na kailangan. Goodnight, Shine,"

"Goodnight, Luke,"
Naupo muna siya sa gilid ng kama para kumutan ang binata na tila batang paslit.

Tapos
nagulat siya nang hawakan siya nito sa pisngi at dinampian ng mabilis na halik ang noo
niya.

"I'm sorry kung idinamay kita. Wala din sa plano ko 'to. Sige na, you may go."

"LUKE, gising ka na ba?"
Binuksan niya ang silid nito para lang matigilan nang datnan itong walang pang-itaas
habang naghahalungkat ng damit sa cabinet.

"Hi, good morning," anito nang malingunan siya.

"S-sorry," aniyang nag-iwas ng tingin.

... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon