CHAPTER #42
"KAPAG natanggal na lahat at buto na lang ang natira, binibilad naman namin ito depende sa
panahon. Kapag maganda, ibinibilad namin sa araw. Kung hindi naman, machine drying na
lang," paliwanag pa ni Ylona."Hindi pala biro ang trabaho sa coffee farm, ano?" ani Shine.
"At ang dami mong alam,"
"Tini-train ko na si Ylona para pamahalaan ang coffee farm, Shine. Plano ko na kasing
magretire in the near future," si Alejandro."Kaya ba ni Ylona 'yon, Uncle, kahit mag-isa lang siya? I mean pwede naman nilang
pagtulungan iyon ni Bailey," ani Luke."Unfortunately, Bailey's heart is not in this. Ayokong ipilit iyon sa kanya. And besides,
malaki ang kumpyansa ko kay Ylona. Hindi niya 'ko bibiguin,"
Ngiti lang ang tugon ni Ylona."Tara na muna, naghanda ng meryenda ang mga taga-rito para sa 'tin. Nakakagutom
naman talaga ang tour dito sa farm," ani Alejandro.TUMULOY sila sa kubo na overlooking sa buong taniman ng kape. Ang ganda sa paningin ng
mga pantay-pantay at luntiang hanay ng mga kape at ang mga mamula-mulang mga bunga nito."Para saan 'yang mga makinang 'yan?" tanong pa ni Shine sa malaking parang bakal na
nakapagitan sa iilang hanay ng kape."Depende sa variety ng kape ang klase ng pag-ani namin dito. Kapag Arabica, kailangang
mano-mano. Kapag robusta naman, ayan gumagamit kami ng ganyang makina. Halos
lahat naman ng coffee farms sa mundo,""May pagkakaiba ba 'yong dalawang 'yon?"
"Mamaya ipapaliwanag ko sa'yo," nakangiting sabi ni Ylona nang dumating na ang
meryenda nila."Gumagaling ka na nga, Ylona," komento ni Alejandro.
"Tingin ko mukhang handa ka
na,""Maraming salamat po, Sir,"
"Dito na rin kayo mag-lunch ni Luke, Shine,"
Napatingin siya kay Luke na nakangiti habang nakatitig sa kanya. Iyong ngiting gusto
niyang titigan kahit habang-buhay."Okay lang ba?" tanong niya.
"Basta ikaw,"
"Kamusta na ang sugat mo?"
"Hindi na ganun kasakit. Tingin ko nga gumagaling na,"
"Pero titingnan pa rin natin mamaya, okay?"
"Sure,"
They exchanged smiles at nagsimula na silang kumain ng mga masasarap na pagkaing
nakahain..... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)
Fanfiction❤LOVING IN TANDEM❤ Tinakasan ng Kuya Quen ni Luke (Edward) ang nakatakdang kasal nito kay Liza at siya, bilang blacksheep ng pamilya, ang napag-utusan ng hindi niya makasundong ama na hanapin ito. Gayon na lamang ang kagustuhan niyang mahanap ito pa...