#32

417 36 0
                                    

CHAPTER #32

Ang Kuya Quen naman niya ang sinubukan niyang kontakin.

"Kuya, sagutin mo, please,"
Nabigo siya. Out of reach ito. Sinubukan niya ulit pero wala pa rin.

Ano na ba ang nangyari dito? Alalang-alala na siya. Nakarating ba ito ng Baguio nang
ligtas? Nakita na kaya nito ang hinahanap nito? Sana naman okay lang ito.

"Nay,"
Si Aling Cynthia naman ang tinawagan niya.

"O, anak. Naiwan mo ang cellphone mo dito sa bahay, paano ka diyan ngayon?"
Sabi na nga ba niya at naiwan niya.

"Ah, eh, hindi bale na po. May telepono naman po dito sa orchidarium,eh. G-gusto ko
lang masiguro na diyan ko lang naiwan ang cellphone ko. Akala ko kasi nawala,eh."

"Gusto mo bang ihatid ko diyan?"

"W-wag na po, Nay! Okay lang,"

"Pa'no kung tumawag ang Kuya Quen mo?"

"Ako na po ang bahala do'n, Nay. Alagaan niyo po ang sarili niyo diyan, ha? Mahal kita,
Nay,"

"Mahal din kita, anak. Ingatan mo din ang sarili mo,"

Kahit papaano nabawasan na ang alalahanin niya. Si Quen na lang ang kailangan niyang
makausap.

"UMAMIN ka, pinsan. Bukod sa alam niya kung nasaan si Quen, kaya mo siya dinala diyan ay
dahil may tama ka na sa kanya, 'no?" nanunuksong sabi ni Marci sa kabilang linya.

"Ano? At ano naman ang alam mo do'n? Tama-tama ka diyan. Tamaan ka sa 'kin,eh,"

"Eh 'yon ang tawag nila do'n,eh,"

"Bakit, may tama ka na din ba sa wakas?"

"Excuse me, magaling yata akong umilag. Pero aaminin ko sa 'yo, naghahanap ako ng
matinong babaeng pwedeng magpanggap na girlfriend na ihaharap ko kay Granny. Sana
tumama na 'ko this time,"

"Well, good luck sa'yo,"

"But hey, ipahiram mo kaya muna sa 'kin 'yang si Shine? Don't worry, isasauli ko naman
siya. Payag ka ba, 'insan?"

"Kahit pinsan kita, hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka," mariing sabi niya.

Pagdating kay Shine, kakalimutan niyang magkadugo sila.

"Okay. Confirmed,"

"Confirmed ang alin?"

"Na may tama ka nga kay Shine. Hindi naman ako seryoso dun sa sinabi ko,eh. After
you're brother, you're next,"

"No, nauna ako sa'yo. After my brother, you're next. After you, let's see kung ako nga,"

.... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon