#33

443 37 1
                                    

CHAPTER #33

"Wow, swerte ni Bailey siya ang panghuli,"

PARA sa isang lalaking taglay na yata ang lahat, hindi niya akalaing may mga insecurities din
pala si Luke.

Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi nito kaninang umaga. Tama nga siguro
ang sinasabi nila na hindi naman lahat ng mayayaman masaya.

Nagpapanggap lang siyang hindi
interesado kanina pero ang totoo kinurot ang puso niya.

Siguro naman walang masama kung kikilalanin pa niya ito. Alam niyang kailangan nito ng
kaibigan sa mga pagkakataong ganito.

Just this once, Shine, believe me, hindi ako ganun kasamang kapatid...
Ibig bang sabihin nito sa sinabi nito ay handa itong tumulong sa Kuya Quen niya?

Sana
nga. Ang problema, paano ba niya ito masasabihan gayong hindi niya ito ma-contact?
Mukhang wala siyang choice kundi ang manatili doon kasama si Luke.

Sana naman magkaroon ng silbi ang pananatili niya doon at sana pwede nga niyang
pagkatiwalaan ang binata.
Pero pwede rin kayang pati puso niya ipagkatiwala niya dito.

HINDI rin sira ang pinsan niya. Sabihan ba naman siyang may tama daw kay Shine? What made
Marco say that? Por que ayaw lang niyang madamay si Shine sa kalokohan nito?

But how would
he know? Hindi pa siya nagkakagirlfriend and definitely hindi pa nai-in love dahil wala sa plano
niya iyon.

Ang alam lang niya, he finds her beautiful being the simplest girl he had ever known. He
likes her innocence. He likes her voice, her feel against his, her attitude and her lips.

Si
Shine ang pinakaunang babaeng hinalikan niya at sa likod ng utak niya, gusto niyang
maulit iyon.

Sapat na ba ang mga dahilang 'yon para sabihing may tama na nga siya dito?
And she's always in my mind. She may hate me but do I have a choice?

Dinampot niyang muli ang paintbrush at humarap sa canvass. Kailangan niyang matapos
ang ginagawa niyang iyon para sa taong gusto niyang pagbigyan.

KUNG nasa Baguio lang si Quen kahit hindi niya ito ma-contact, posible kayang may idea si
Luke kung saan ito doon?

Dapat na ba niyang sabihin ang nalalaman niya para hayaan na
siyang umuwi nito? Pero ano naman kaya ang posibleng kahihinatnan ng lahat?

Hindi siya
sigurado kung mapapabuti si Quen. Isa pa may pangako siya dito na walang dapat makialam
kung nasaan ito.

.... ITUTULOY....

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon