#23

406 32 4
                                    

CHAPTER #23

Umpisa pa lang alam na ni Luke na may alam nga si Shine kung nasaan ang kapatid
niya. At hindi lang nito basta alam, ito mismo ang nagpuprotekta at kumukupkop.

Bilib
naman siya sa loyalty nito sa Kuya niya. Pero siyempre, hindi na niya pwedeng
palampasin ang pagkakataon ngayong nakita na niya si Quen.

Nang umalis na ito ay lihim niya itong sinundan. Kailangan niyang malaman kung saan
ito pupunta.
Napamura siya.

Sa dami ng kabahayan at sa iilang taong nasa labas pa ay nawala sa paningin ni Luke
ang kapatid niya. Idagdag pa na hindi niya kabisado ang lugar na iyon.

Matalino talaga
ang Kuya niya. No wonder na ito ang paborito ng ama nila.
Maswerte ka ngayon, Kuya,
Pero hindi siya titigil.

Babalikan niya sa Shine. Gagawin niya ang lahat aminin lang nito
ang mga nalalaman nito tungkol kay Quen.
Nakuyom niya ang kamao.

SAKALI mang magpakita sa kanya ang lalaking Tom daw ang pangalan na iyon, didiretsuhin na
niya ito.

Kapag hindi pa siya nito tinigilan, wala na siyang magagawa kundi ang isumbong ito sa
mga pulis.

Maagang namalengke ang nanay niya kaya siya na lang ang magsasara ng bahay pag-alis
niya.

Kaka-lock lang niya ng pintuan nang sumulpot ang inaasahan niya.
Madilim ang anyo nito habang nakatitig sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo dito? Pati ba naman dito sa bahay?" angil niya.
Nagulat siya nang haklitin siya nito sa braso.

"Ngayon mo sabihing hindi mo alam kung nasaan si Quen?"

"A-ano'ng--hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

"'Wag ka nang magkaila! Dito siya nanggaling kagabi, 'di ba? Sabihin mo, sa'n siya
pupunta?"

"Bitawan mo 'ko, wala akong ipapaliwanag sa'yo!" aniyang pilit na piniksi ang braso.

"Magsabi ka na lang kasi ng totoo para matapos na 'to,"

"Wala nga akong sasabihin sa'yo!"

.... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon