#18

412 33 2
                                    

CHAPTER #18

Kung hindi siya nagkakamali, si Tom ang tinutukoy nito.

"Sigurado ka? Baka naman manliligaw mo 'yon?"

"Nikko!" hindi makapaniwalang sambit niya.

"Totoo ba?"

"Totoo man at hindi wala kang karapatang umasta nang ganyan sa 'kin dahil wala naman
akong commitment sa'yo,"

"So totoo nga?"
Napabuntong-hininga siya.

"Pwede ka nang umalis, Nikko. Wala kang mapapala sa 'kin. Magtatalo lang tayo dahil
mas gusto mong paniwalaan 'yang iniisip mo,"

"Okay, I'll leave. Pero itong tandaan mo, hindi mo na 'ko makikita ulit dito, Shine,"
Pinigil niya ang mapataas ang kilay. Tinatakot ba siya nito?

"I won't mind, sige lang," sabi na lang niya."Goodbye, Nikko. Mag-iingat ka,"
Natigilan si Nikko at nang tumalikod ito ay puno ito ng pag-aatubili.

Mabuti nga't sa
wakas ay tatantanan na siya nito. Bakit naman kasi ganun ito umasta? Hindi naman niya
ito boyfriend.

"Naku, Miss Shine, kasalanan ko pa yata kung bakit kayo nag-away ni Sir Nikko,eh. Ang
daldal ko naman kasi. Sorry po, tanggal na po ba 'ko?" ani Yassi na sobrang guilty.

"Bakit ka ba nagi-guilty diyan? Thankful nga ako sa'yo kasi aalis na raw siya at hindi ko na
siya makikita pa. Wala nang problema," parang walang anumang sabi niya.

"S-seryoso po ba kayo, Miss?"

"Oo naman. At least, 'di ba, hindi na 'ko mahihirapang bastedin siya at sa Virusca Jinri
na lang ako magpu-focus. Kalimutan mo na 'yon. Mas kailangan kita dito,"

KAHIT hindi kasama sina Fenech at Rita ay bumalik sa ilog si Shine. Masyadong marami ang
nangyari sa linggong 'yon para sa kanya kaya tingin niya ay kailangan niya ng panahon na
makapag-relax at mag-isip.

.... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon