#28

417 36 3
                                    

CHAPTER #28

"You want a tour?"

"Mas gusto kong umuwi!"

"Pauuwiin lang kita kapag sinabi mo na sa 'kin kung nasaan si Quen,"

"Hindi ko nga sasabihin sa'yo, 'di ba?" angil niya.

"Nakakabilib naman ang loyalty mo sa kanya,"

"Problema mo na 'yon!"
Nagpatuloy siya sa paglakad habang pinabagal naman ni Luke ang takbo ng kabayo
nito para masundan siya.

"Shine, mapapagod ka lang,"

"Eh ano ngayon? Ako ang mapapagod hindi ikaw!"

"Do you really think na hahayaan kita?"

"Problema mo na 'yon sabi!"
Kung bakit kasi napakailap ng hinahanap niyang daan sa paningin niya.

"Bahala ka. Basta sinabihan na kita, ha?"
Pinandilatan lang niya ito.

NAPAGOD na siya kakalakad pero hanggang doon pa rin siya sa parteng sakop ng rancho.

"Pagod na 'ko.. ." sabi niya at napasalampak sa putol na kahoy sa tabi ng daan.

"Wag mong sabihing hindi kita binalaan?"

"Hindi kita kinakausap diyan!"

"Bumalik na tayo, Shine,"

"Ikaw na lang kung gusto mo!"

"'Wag na ngang matigas ang ulo mo," may pagkainip nang sabi ni Luke.

"Ibalik mo na kasi ako sa 'min para wala nang problema!"

"Hindi nga pwede, 'di ba?"

"At sino ka para sabihin 'yan? Pabayaan mo na nga lang ako, Mr Barber! Kahit kailan hindi
kita pagkakatiwalaan!"

"Ah, talaga?"
Bumaba ng kabayo si Luke at hinila ang dalaga sa braso patayo.

"Bitawan mo nga 'ko!"

"Sabihin mo nga sa 'kin, kung wala kang tiwala sa 'kin, bakit mo hinayaang halikan kita
nang ganun katagal?"
Nag-init ang pisngi ni Shine.

"Argh! Pinagsisisihan ko na 'yon!"

"Hindi nga? Seryoso?"

"Bitiwan mo 'ko!"

"Babalik na ba tayo o hahalikan kita dito mismo?"

"Ano'ng--" Napasinghap siya nang hapitin siya nang binata sa beywang.

"Shine, seryoso ako,"

"Hindi nga ako sasama sa'yo--" Naputol ang sasabihin niya nang sinakop nito ang mga labi niya.
Nanlaki ang mga mata niya.

"Ano?" nanunuksong tanong nito.

"Hindi kita mapapatawad kahit kailan!"

"Akin nang kamay mo. Tutulungan kitang sumampa sa kabayo."

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

... ITUTULOY...

LOVING IN TANDEM (MAYWARD & LIZQUEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon