Chapter 1: Summer and Snow

34.9K 391 81
                                    

Summer's POV

"Iha, dalian mo. Bawal kang malate sa first day!"

Pahikab hikab akong bumangon. Ano ba naman yan si mommy. 5:30 am pa lang eh 8 am ang pasok ko. Jusko naman.

Tumayo na lang ako at nag shower na at nag ayos. Bumaba ako at nakita ko sila mom and dad na naka smile sakin. Ngumiti na rin ako.

"Hi dad. Hi mom." bati ko sabay halik sa mga pisngi nila.

"Excited ka na ba sa first day?"

"Yes dad." walang gana kong sagot. Natawa naman ito.

"Bakit ganyan? Parang di ka naman excited."

"Pano ba naman mom. Look! Mag 7 am pa lang eh 8 am po ang pasok ko. For sure wala pang tao ngayon sa school. Ang aga aga niyo kong gisingin. Antok pa nga ako eh." nakapout kong sabi. Nagsitawanan naman sila. Hays.

"Okay lang yan princess, you're the president so dapat maaga ka. Osiya, kain na."

Tumango na lang ako at kumain na. After nun umalis nako. Grabe napaka aga pa. Si mom kasi eh!

After 15 minutes nakarating na rin ako sa school. As I expected, wala pang tao sa school. Hays.

Dare-daretso akong pumasok at nag log in sa guard. Tinap ko ang ID ko at dare daretso sa office ko. Pero dumaan muna ako sa bandang park ng school.

Andito nako sa park at naupo sa isang puno. Pumikit ako at nagmuni muni.
First day, first day ko sa pagiging senior high. Grade 11 student ako dito sa school na pag mamay ari namin.
Ang Canda Academy. Isa ito sa pinaka sikat na school sa lahat. Halos lahat ng nag aaral dito mayayaman.

Naiisip ko na rin ang magiging trabaho ko na naman. At dahil senior nako, malamang mas marami akong gawain ngayon, bilang president ng school kailangan mas maging responsible ako. Naiisip ko pa lang na marami akong gagawin eh nasstress nako.

Hm? Dumilat ako at tumingin sa paligid. Parang may dumaan kasi eh. Tumingin ako sa orasan at mag 7:15 pa lang. Mga gantong oras wala pang studyante ah.

Tumayo nako at sinundan ang ingay na naririnig ko. Parang may tao na talaga eh. Pumunta ako sa storage room dito sa likod ng school at nakita ko ang 3 lalaking nakatali at puro pasa. What the hell?

"Anong ginagawa niyo dito?"

Dali dali akong pumunta sa 3 lalaki at kinalas ang mga tali nila.

"Thank you miss president ah. Sige po alis na po kami."

"Oy teka!"

May sasabihin pa sana ako kaso umalis na silang tatlo. Anong nangyari sa mga yon? Tumingin ako sa paligid ng storage room. Nagulat ako ng may nahagip akong pigura sa madilim na bahagi ng storage room.

Kinakabahan akong lumapit sa pigura na yon. Laking gulat ko na isa pala itong babae na nakapikit. Kinabahan ako bigla. Di kaya patay na to?

Lumapit ako at kinalabit ko siya. Nagulat ako ng bigla siyang nagmulat ng mata. Walang emosyon siyang tumayo at tumingin sa paligid.

Napaatras ako ng tumingin ito sakin ng masama. Anong meron?

"Anong ginagawa mo rito ng gantong oras?"

Di niya ako sinagot at nakatingin lang ito ng masama sakin. Napalunok ako. May nagawa bakong kasalanan? Wala naman ah.

"H-hoy! Tinatanong kita. Alam mo bang bawal matulog o tumambay dito sa storage room? At sino naman yung mga lalaki kanina na nakatali ha? Ikaw ba may gawa nun sa kanila?"

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon