Chapter 29: Can't wait

4.3K 105 0
                                    

Snow's POV

Pinasundo ko na sila ate kaireen at fall kay mang isko papuntang mansion. Sinabihan ko na rin na paigtingin ang sekyuridad sa mansion, at pakawalan kako nila sila choco and milk. Si choco siya yung german shepherd namin, at si milk naman ay siberian husky. Trained naman sila so kapag may magtatangka man na pumasok sa mansion, patay sila sa kila choco and milk pa lang.

"Hm, san kaya ako pupunta ngayon?"
Kausap ko ang sarili ko habang nag dadrive. Hinatid ko na rin si jade sa condo eh at ako na lang ang natitira ngayon.

Aha! Alam ko na kung saan ako pupunta!

...

"Hello po, si summer po?"

"Oh ikaw pala iha, andun na sa kwarto niya. Nagpapahinga na,"

"Kumain na po ba siya?"

"Oo naman, kanina. Eh ikaw ba? Kumain ka na?"

"Opo manang, tapos na po ako. Akyat na po ako ah? Ay sila tito and tita po? Pati sila ate shane and kuya carl?"

"Ang mag asawa nasa business trip, si shane kasama ng kuya bullet mo, si carl naman nag sleep over sa barkada niya."

"Ah, sige po. Akyat na ho ako," paalam ko kay manang at pumanhik na sa kwarto ni summer.

Yup. Dito na ako matutulog kila summer, namiss ko siya ng husto eh lalo na nung nasa conference siya. Hays.

Pumasok ako sa kwarto niya at natagpuan ko siyang natutulog na sa kama niya. Tumabi agad ako sa kanya at yumakap. Aw, I super miss this girl!

"Hm? Snow?" Naku. Nagising yung prinsesa ko.

"Ah hehe. Hi summer myloves,"

"Anong ginagawa mo dito?" aantok antok niya pang sabi. Nakapikit pa ang isa niyang mata. Mukang di pa siya nakakabawi ng pahinga mula sa conference nila.

"Makikitulog lang po. Namiss kita eh."

"Hm, ikaw talaga. Tara nga dito," agad akong sumiksik sa katawan niya. Ang bango bango niya, parang ang sarap niya gahasain! Manyak. Sa kanya lang naman. Haha.

Naramdaman ko na yung mabigat na hininga ni summer. Mukang nakatulog na siya, yumakap pa lalo ako sa kanya at natulog na rin.

...

Kinabukasan.

Maaga akong umalis kila summer. Nag iwan na lang ako ng letter sa table niya, na nagsasabing uuwi na ako at magkita na lang kami sa school at sinabi ko rin na mag iingat siya, syempre may 'I love you' din don. Hehe.

Andito na nga ako sa school, late nako para sa practice kaya tumatakbo ako papunta sa office ni summer. Hahatid ko yung breakfast niya, ako mismo nagluto.

Nagtext kasi siya kanina na nalate siya ng gising. Kaya panigurado di pa nag bre-breakfast yon, ayoko naman na magpalipas siya noh. Mahirap na baka magkasakit yung mahal ko. Sa panahon ngayon na busy siya at ako, bawal ang magkasakit.

"Excuse me!" sigaw ko sa mga nakaharang na studyante. Alam nang nagmamadali, haharang harang pa! Tsk.

Hahangos hangos ako na dumating sa office niya, nadatnan ko naman siya na nakaharap agad sa mga paper works niya. Napaka workaholic talaga ng girlfriend ko, ngumiti ako sa kanya.

"Oh snow, late ka na sa practice mo ah," bungad niya sakin.

"Yup I know. Pero okay lang, hinatid ko lang to kasi alam kong di ka pa nakakapag breakfast," nilapag ko na yung dala ko. "Kainin mo yan bago ka pumuntang room okay? Kailangan may laman lagi ang tyan mo sa umaga, the most important meal is breakfast right? I dont want you to skip it, kaya ginawan na kita ng breakfast." niyakap ko siya at hinalikan sa lips, "I got to go myloves, ingat ha."

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon