Chapter 51: Wedding

6.5K 118 0
                                    

Snow's POV

"Whooo! Para sa pagbabalik ng pag ibig!"

"Cheers!"

Sigawan lahat ng barkada ko habang nag iinom. Ako naman, tumatawa sa kanila. After nung party, lumipat kami ng place at andito kami ngayon sa roof deck ng hotel namin. Kumakain kami, umiinom, nagtatawanan, at nag kwekwentuhan.

Sobrang namiss ko to. Namiss ko na ganitong masaya ang barkada ko. Na masaya kami. Na masaya ako.

"What are you thinking?" tanong ni summer. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at humarap sakin.

Until now, di pa rin ako makapaniwala na andito siya sa tabi ko. Na andito siya sa tapat ko, kasi sa loob ng apat na taon hinihiling ko lang ang mga ganitong moments. Dinidaydream ko lang noon pero ngayon, totoo na.

Kanina sa party, hindi ko alam ang mararamdaman ko non. Masaya ako sobra. Pero wala talaga ako ideya na ganun ang mangyayari, na para pala sakin o samin ang party na yon. Kasama syempre sila chandler at zach na kasama rin namin ngayon dito.

Ang lola ni summer? Ayun, inuwi na nila tita ang tito, ng family ni summer para maiprocess naman niya sa utak niya ang nangyari. Nakatulala lang kasi siya nun at di nakapagsalita. Nung una akala namin na stroke na pero okay naman siya.

"I just can't believe that you're here. With me. Again." sabi ko.

"Believe it." nakangiti naman niyang sabi.

We spend the night together. Puno ng tawanan at bonding ang nangyari saming lahat. Kaya mag uumaga na nung nakatulog kami.

...

Kinabukasan.

Andito ako ngayon sa harap ng lola ni summer. Maaga ako nagising kanina, well actually di talaga ako nakatulog dahil sa lahat ng nangyari na hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.

Naglalakad lakad lang ako kanina rito sa hotel ng makita ko ang lola ni summer. At ngayon, andito kami sa coffee shop ng hotel. Nasa VIP room kami, at magkaharap kaming dalawa.

Sobrang seryoso ng itsura niya. Samantalang ako naman, sobrang kinakabahan pero diko pinapakita sa kanya. Pero kung sakali na hahadlang na naman siya samin ni summer? Mauupakan ko na to!

Joke. Syempre hindi. Pero hindi ako papayag na mawalay na naman kami sa isa't isa. 4 years is enough for us. Tama na yon.

"Im here to tell you..." paninimula niya. Mata sa mata lang siya na nakatingin sakin, "na alagaan mo ang apo ko." sabi niya.

Nagulat naman ako. Hindi ko kasi inaasahan ang sasabihin niya. Akala ko kaso hahadlang na naman siya.

"Aaminin kong, nagkamali ako ng ginawa noon. Hinadlangan ko kayo, naging hadlang ako sa pagmamahalan niyo and I know its wrong. But back then, diko naiisip na mali ang ginagawa ko. Akala ko tama lang kasi mali yung pag iibigan niyo dahil pareho kayong babae. Pero nung dumating kami sa cali, naging cold na si summer. Madalas ko siyang nakikita at naririnig na umiiyak sa gabi, madalas tulala sa umaga. Naging halos isang taon siyang ganon. Pero the next years medyo naging okay na siya."   uminom muna siya ng kape tsaka pinagpatuloy ang sasabihin.

"So I thought, naka move on na siya sayo. So im glad. But years goes on, mas naging okay na siya. Okay na rin kami. Pero halata sa mata niya ang lungkot. Halata sa boses niya ang pangungulila. Nung time na yon, dun ko lang naisip na mali ang ginagawa ko. Mali ang ginawa ko sa apo ko. Naging kontrabida ako sa buhay niya, sa buhay niyo. Kaya nung kahapon aa party, nagulat talaga ako aa ginawa niya. But there's a part of me na, tama yung ginawa ng apo ko. And its time for me to let her be free and happy. With you snow." sabay hawak niya sa kamay ko.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon