Chapter 30: Camping In The Gym

4.4K 111 0
                                    

Summer's POV


Kararating lang namin ngayon sa mansion ng mga Kent. This is my second time, and yet Im still amused by their mansion. This is two times bigger than our mansion. It looks like that the mansion speaks on how wealthy they are.

Sa pagkakaalam ko, may napakalaking garden sila dito, I think one and a half hectare, tapos may sarili silang gymnasium na halos kasing laki ng MOA arena, yung pool nila dito dalawa na malaki, tapos may aproximately, may 18 rooms ang mansion nila na ito. Dami diba? Grabe.

Di bale, tig iisang kwarto silang magkakapatid then yung room ng parents nila so apat na agad yon. Then, may may dalawang rooms for maids, then 5 guest rooms, then may entertainment room pa sila dito na lahat ng games andon, mga conputers, xbox, at iba pa. Tapos may movie room din na halos sinehan na talaga, may library din, may gym room, and may shooting room. Yeah, shooting room, like shooting range or something? Basta ganun. And storage room ofcourse.

And may halos isang bahay na ang space ng kada room. Kaya malaki talaga. Anyway, andito na kami ni sam sa loob at wala naman ang volleyball team specially may girlfriend. Where are they?

"Oh hi manang, ahm asan po sila snow?" tanong ko kay manang na mayordoma nila dito.

"Ah andun nag prapractice sila sa gym, oh eh kumain na ba kayo mga iha?"

"Opo manang, eh sila po?"

"Oo kaso dadalhan ko pa sila ng meryenda, gagawa pa lang ako. Kung gusto niyo, punta na muna kayo dun." nakangiting sabi ni manang.

"Ah naku manang, mamaya na po. Tulungan ko na po kayo sa paggawa ng meryenda nila."

"Oh sige tara."

Masaya naman akong sumama kay manang ng maalala kong may kasama nga pala ako. Pagharap ko kay sam, ayun nga nga. Halata sa mga mata niya ang paghanga sa mansion nila snow. Oh well, ako rin naman, ganyan ang una kong reaksyon. Sobrang speechless.

Tinapik ko siya, "Hey sam. Tara na, gagawa tayo ng meryenda nila."

Tumango lang siya sakin at sumunod na. Pag dating namin dun, nakita ko si ate kaireen na nagbabasa ng dyaryo.

"Hi ate kaireen," sabay na bati namin ni sam. Nag angat naman siya ng tingin samin at ngumiti, "Hello there ladies," bati niya pabalik samin.

"Kakagising niyo lang ate?" tanong ko habang tinutulungan si manang na magpalaman sa mga tinapay.

"Yeah, napuyat kami kagabi."

"Bakit po?" tanong ni sam.

"Eh paano, daming kwento ng mga kaibigan nila snow. Sobrang dadaldal, pero masaya naman kasi nakilala namin sila. Ngayon, marami nang nakakaalam na mag pinsan kami." halata sa boses niya ang saya, nangiti ako.

"That's good ate."

Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano. Nang matapos na kami ni manang sa paggawa ng meryenda, sabay sabay na kami na pumunta sa gym. Kami na lang ni ate kaireen, sam at ako ang nagdala ng meryenda,

Nasa labas pa lang kami rinig na namin ang kuskos ng mga sapatos at tunog ng bola. Pumasok na kami at natagpuan namin sila na nag tritraining pa rin.

"Hey guys!" sigaw ni ate kaireen, "Mag meryenda na muna kayo," sabi niya pa. Sabay sabay na humarap sila samim at nakita ko na agad nangiti si snow nung makita ako. Ganun din ako, sobrang nagwawala na naman ako puso ko.

Tumakbo sila samin at nagsi kuha na ng mga sandwich, nilapitan ko naman si snow agad at inabutan siya ng sandwich at tubig,

"Thanks myloves," nakangiti niyang sabi.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon