Chapter 34: After One Year

4.7K 95 0
                                    

Summer's POV

Andito kami ni sam sa mall ngayon. Gusto ko lang magliwaliw, dahil naiinis ako kay snow! Tsk.

"Oh sis, anong gagawin natin dito? Shopping? Libre mo ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. "Oo na sige na! Basta samahan mo lang ako,"

"Yey! Thank you sis!" sabay yakap naman niya. Kumalas ako agad sa yakap niya at nauna ng maglakad.

"Hoy sis, labag ba sa loob mo ang paglibre sakin? Grabe naman. Okay lang nam--"

"Pwede ba sam! Ililibre ka na nga diba? Tsk!"

"Woah, bad day?"

"Oo! Kainis kasi yang si snow!"

"Bakit naman?"

"Inaway ko siya. Nag away kami dahil ang landi niya! Letse siya!" inis na inis ako kaya napapapadyak na ako habang naglalakad. Eh sa naiinis talaga ako eh!

"Wow grabe, for one year na mag on kayo, ngayon lang kayo nag away ng ganyan ah? Ano bang nangyari?"

Pumasok na muna ako sa isang coffee shop, sumunod naman sakin si sam. Tinanguan ko ang crew doon at nagets naman niya agad ang gusto kong orderin, regular na kasi ako dito.

"Ganto kasi yon,"

*Flashback*

Nung nakaraang bwan lang, nag celebrate kami ng first anniversary namin ni snow. Grabe, isang taon na pala kami ng ganun lang kadali. So over whelming ang feeling! Mag cocollege na kami at sana, sana umabot kami hanggang sa sabay kami makapagtapos sa pag aaral.

Shoot! Naku, 11 na pala! 12 pm pa man din ang lunch break ni myloves! Dali dali kong tinakpan ang baunan na dala ko, bakasyon na kasi at kakagraduate lang din namin se senior high nung nakaraang linggo lang din. Halos kasabay lang din ng anniversary namin, galing noh?

At yung myloves ko, ayun nag tatry out sa college department ng school ko, sa Canda Academy pa rin naman kami kaso sa college department na. Medyo malayo na sa high school dept kasi sa bandang likuran pa kasi yunh college dept. Mag kaiba din ang gym ng dalawang department,

At dahil nga nag tatry out siya habang wala pang pasukan, ako na lagi ang nagdadala ng meryenda at lunch niya. Tulad ng ginagawa niya saakin noon,

Lumabas na ako ng bahay at nagpahatid kay mang isko. Pag dating ko sa school, daretso ako sa gymcol, gym of college dept. Gymcol for short. Masaya akong naglalakad papunta doon, dadaretso na ako sa locker room nila like I always do,

"What the!" nabitawan ko yung baunan na dala ko ng makita ko ang girlfriend ko ay nilalandi ng iba habang tulog? Tulog nga ba talaga?

Nang init agad ang ulo ko kaya wala na akong pakialam at hinila ko na sa buhok ang babae at kinaladkad palabas, walang ya to!

"Hayup ka! Anong ginagawa mo sa GIRLFRIEND KO ha?!"

"w-wala! Sorry!" sabay tumakbo na yung babae. Nagsipalibot naman ang mga teammates ni snow, lahat sila sinamaan ko ng tingin.

Bumalik ako sa loob ng locker room at nakita kong tinatayo ni jade si snow, nakapikit pa rin ito. Nilapitan ko sila at kinuwelyuhan si snow,

"Hayup ka! Anong kababuyan ang nakita ko kanina ah!" bulyaw ko sa harap niya. Pinipilit niyang buksan ang mga mata niya, at nang magawa niya yun nanlaki bahagya ang mata niya at ngumiti,

"H-hi myloves," di ako sumagot at sinampal na lang siya. Umalis na ako sa gym at dumaretso sa parking lot kung saan nakapark si mang isko, sumakay ako agad at sinabihan na umalis.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon