Chapter 22: Clinic

5.1K 126 5
                                    

Snow's POV

"Wait lang fall."

Tawag ko kay fall na papasok na rin. And tulad nga ng sabi ni dad, dito na sila titira ni ate kaireen samin. Kaso sa condo na kami hindi na sa mansion. Nakauwi na rin sila dad, kinabukasan after namin mag mall dahil masyado na daw sila napapatagal dito at umabot na yun sa media. Kaya ayun, mainit kami sa media ngayon dahil gusto nila malaman kung bakit tumagal ang mga kent dito sa pilipinas.

Grabe sa big deal noh? Parang wala ng karapatan mag tagal ang pamilya ko dito. Tsk.

"Bakit snow?" tanong ni fall.

"Eto oh, susi." sabay bigay sa kanya ng susi.

"Meron na akong duplicate key. Para san to?"

"Sa motorbike mo."

"Motorbike? Wala akong ganun."

"Dati wala. Ngayon meron na. Ayun oh," sabay turo ko naman sa motor na BMW. Kulay white siya. Nanlaki naman ang mata ni fall na parang di makapaniwala sa nakikita niya. I smiled.

"That's for you. Bigay ni dad. Gamitin mo na yan," yun lang sinabi ko at tinapik siya sa balikat, "Drive safely." sabi ko.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ko ng tawagin ako ni fall. Lumingon naman ako sa kanya, "Why fall?"

"A-ano kasi. Di ba scholar lang ako? Tapos may ganto akong motor? Diba parang nakakapagtaka naman yun?" tanong niya. Oo nga noh. Diko naisip yun.

"Hayaan mo na, ang mahalaga may nagagamit ka na. Sige ha, una nako sunduin ko pa si summer. See yah later."

Sumakay nako sa sasakyan ko at sinundo ko na nga si summer. Nakita ko si summer na nakaabang na sa gate nila, huminto ako sa tapat niya, bababa pa lang sana ako ng sasakyan ko para pag buksan siya ng pinto ng nauna na siyang pumasok.

O-kay? Tiningnan ko si summer at mukang wala siya sa mood. Bakit kaya? Nakakunot ng bahagya ang noo niya at di niya ako pinapansin. Hays. Pinaandar ko na lang ang sasakyan ko at umalis na.

Habang nasa byahe, tahimik pa rin siya. Pinapakiramdaman ko lang siya at mukang wala siyang balak na kausapin ako kaya ako na naunang nagsalita.

"Ah ano, summer. Para sayo nga pala," sabay abot ko sa kanya ng white rose na fave niya. Tumingin lang siya sakin saglit sabay kuha ng rose. Ano kayang problema ng isang to? Aga aga naka busangot.

"Summer, may problema ba?" diko na mapigilan na matanong.

"Wala naman." tipid na sagot naman niya. I sighed.

"Ganun ba. Sige kung ayaw mo sabihin sakin, okay lang. Pero alam mo, mas nakakagaan kung may pagsasabihan ka ng problema mo. And I'll always be here to listen and be a shoulder to you when you need someone to lean on." then I smile to her. Tumitig pa muna siya sakin sabay ngiti. And then again, my heart falls again. Damn.

"Im sorry snow. Im just not in the mood now. But thanks. Napapangiti mo talaga ako lagi," she said while smiling. And I can't help but to smile too and blushed. Damn summer, why do you have to say something na nakakaflutter masyado? Aish, kinikilig ako.

Bakla.

Sa kanya. Im gay, just for her.

Naging okay na ang buong byahe namin papuntang school. Pag park ko, nakita ko pa ang motor ni fall sa malapit sa pwesto ko. Bumaba na kami ni summer at pumasok na. Magkahawak kamay kaming pumasok, sanay na kasi ako na kapag magkasama kami hinahawakan ko ang kamay niya.

Kaya nga ang bilis kumalat sa school na nililigawan ko siya. Haha. Wala naman silang reklamo at di rin naman sila nandiri. And why would they be right? Tao lang din kami. Wala namang masama sa pagmamahalan namin unless may tao kaming matatapakan.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon