Chapter 12: Date

7.3K 198 7
                                    

Summer's POV

2:43 AM.

2:43 am di pa rin ako makatulog! Argh! Kanina pako pagulong gulong dito sa kama ko pero di pa rin ako makatulog. Kanina ko pa iniisip yung mga tingin ni scarlet kay snow at yung mga tingin din ng captain nila kay snow! Ugh! I know there's something in it!

Ano nga bang meron sa mga tingin nila at di ka makatulog?

Well! Yung mga tingin na ganon, yung tingin na may gusto yung isang tao sayo. Ganung tingin ang nakikita ko sa mga mata nila scarlet at nung lean na yun kay snow!

Ano ba kasing pake mo?

Ano nga ba? Ah basta naiinis ako! Argh.

Bahala na. Kailangan kong matulog!

Magpatulog kayo please...

..

Kinabukasan.

Para akong zombie na naglalakad ngayon papuntang kusina. Maaga ang pasok ko ngayon at kailangan ko pang tapusin ang mga paper works ko. Pagdating ko sa dining area, nakita ko don sila mommy, daddy, kuya at ate. Nag good morning ako sa kanila at naupo na ako sa tabi ni ate.

"Oh bunso, puyat ka yata?"

Kumuha ako ng tinapay bago magsalita, "Yeah." sabay kagat sa tinapay. Gusto ko lang ng tinapay this morning, wala akong gana kumain.

"Bakit? Marami bang gawain sa school? Ay oo nga pala. Malapit na ang meeting ng mga superiors, ready ka na don anak?"

"Yes mom." sabi ko sabay inom naman sa gatas. Yeah, gatas ang iniinom ko at hindi kape. I hate coffee.

"Sa itsura mo naman mukang hindi ang trabaho mo sa school ang nagpapuyat sayo eh," mapanuksong sabi ni ate. Pinangliitan ko lang siya ng mata at tumawa naman siya, "Sabi ko na nga ba hindi paperworks ang nagpapuyat sayo eh." asar niya pa. Argh!

Di ko na lang siya pinansin at patuloy na kumain. Bahala siyang mang asar dyan! Lakas talaga ng pakiramdam nyan ni ate. Tsk. Palibhasa inlove! At sa kuya pa ni snow.

"Naku anak ha, sino ba yang nagpapuyat sayo?"

"Si snow dad." wala sa sarili kong sabi. Kain lang ako ng kain ng marealize ko yung sinabi ko. Unti unting nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ko habang paangat na napapatingin ako kila mama, papa, kuya at ate na halata rin ang gulat sa kanila.

Shit summer!

"W-what did you just said? Si snow na kapatid ni bullet?" gulat na tanong ni ate. Shit lang!

"A-ah eh. Anyway! Alis na po ako. Marami pa po akong gagawin, babye!" sabay tayo ko at kuha ng gamit ko, tatakbo na sana ako palabas ng tawagin ako ni daddy, "Summer! Come back here di pa tayo tapos mag usap!" napakagat labi na lang ako at unti unti bumaling ng tingin sa kanila at naupo. Gulp.

"Paki ulit yung sinabi mo." seryosong sabi ni daddy. Tumingin ako kay mommy para humingi ng saklolo kaso seryoso rin siya, tumingin din ako kay kuya pero sumenyas ito na magsabi na. Aish naman! Anong sasabihin ko? Damn.

"D-di po ako makatulog dahil kay snow." pag uulit ko sabay yuko.

"And why? Nag away ba kayo?" tanong naman ni mom. Napalunok naman ako. This is it. Mas okay naman na ang pamilya ko ang unang makaalam na may.. Aish.

"No mom."

"Then what is it?"

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ilikesnow." mabilis kong sabi. Naghintay ako ng reaksyon nila pero parang wala naman silang narinig, di ba nila naintindihan?

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon