Chapter 36: Second Problem

3.9K 86 0
                                    

Snow's POV

Isang linggo na nung nagkahiwalay si kuya bullet at ate shane. Nung nakaraang araw, pumunta kami nila summer kasama si jade sa nasabing hotel, chineck din namin ang cctv at kitang kita don na pumasok si kuya kung saan siya naka check na room, after 1 hr may isang babae at lalaki na dumating, yung isang babae pumasok sa room ni kuya. At yung lalaki, parang naging look out na ewan dahil panay ang linga niya sa paligid.

Isa lang ang naiisip namin, na hindi talaga kasama ni kuya o kilala ang babae na yon. Magkasabwat sila nung lalaki na nakita namin sa cctv, naka sumblero ang lalaki at nakatalikod sa cctv camera kaya di namin makuha ang muka pero nagpa imbestiga na kami.

Sa loob ng isang linggo, naging miserable ang buhay ni kuya. Palagi siyang umiinom, nagkukulong sa kwarto at umiiyak. Ilang beses na rin siyang sumugod sa bahay nila summer para magpaliwanag kay ate shane kaso wala. Kaya gumagawa na rin kami ng paraan para magkaayos na sila.

Friday ngayon at wala kaming pasok pero nag prapractice kami sa gym. Andito rin sila summer and sam na nanonood samin, kakatapos lang din namin na mag practice.

"Tara na?" aya ni jade. Tumango naman kaming lahat.

Binuhat ko yung bag ni summer at hinawakan siya sa kamay. "Kamusta si ate shane?" tanong ko habang papunta kami sa parking lot.

"Ayun, nagmumukmok sa kwarto. Mabuti nga minsan lumalabas na siya sa room niya at nanonood na sa sala, kaso puro sad movies ang pinapanood. Kaya ayun, panay ang iyak, parang sinasabay niya na yung kalungkutan niya sa palabas."

I sighed. Sobrang nalulungkot kami sa kanilang dalawa, ilang bwan na lang din kasi ikakasal na sila eh tapos naudlot pa. Hay nako.

"Sa tingin ko talaga, may mali eh." sabat ni jade. Magkakasabay kami papuntang parking.

"We all think that. Hintayin na lang natin yung investogator na hinire ko para alamin kung sino ba yung lalaki na kasabwat ng babae na yon. Pinapahanap ko na rin pala yung babae,"

"Mabuti yan pre. Kawawa naman sila kuya at ate eh." -jade

Pagdating sa parking lot, kanya kanya na kaming sakay at umalis na ng school. Tahimik lang ako papunta sa bahay nila myloves, parang iba yung nararamdaman ko. Mabigat at parang... may masamang mangyayari pero di ko mawari kung ano. I sighed again, ang bigat sa pakiramdam ng ganito. Ayoko sa lahat eh yung gantong pakiramdam, di mo alam kung bakit mo ba to nararamdaman. Hay nako.

"Are you okay?" bumalik lang ako sa katinuan ng hawakan ni summer ang kamay ko at nagtanong. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. I can't even talk dahil sa kakaibang nararamdaman ko.

"May problema ka ba?" tanong ulit niya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Sigurado ka ba? Ang tahimik mo kasi eh," huminga na lang ulit ako ng malalim at nagsalita,

"Im okay my loves, its just that.. I think something bad will happen. I got this weird feeling na parang ang bigat sa pakiramdam, diko alam kung ano basta iba." paliwanag ko.

"Siguro dahil sa kakaisip mo yan sa problema nila ate shane at kuya bullet, wag mo muna sila intindihin at ipagpahinga mo muna utak mo okay?" nakangiti niyang sabi. Ngumiti na lang din ako. Sa tingin ko nga, dahil lang to sa kakaisip sa problema nila kuya.

Sa kakaisip, diko na namalayan na nasa harapan na pala kami ng bahay nila summer. Pinagbuksan ko siya ng pintuan,

"Good night my loves, tatawagan kita mamaya okay?" sabi ko at yumakap sa kanya.

"Opo, ingat ka ha." tinapik tapik naman niya ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya. I somehow feel at ease nung niyakap ko siya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon