Chapter 38: Finding the Culprit

3.7K 89 1
                                    

Snow's POV

"Paigtingin niyo pa ang sekyuridad dito maliwanag ba?"

"Yes young lady."

Kausap ko ang mga tauhan namin dito sa mansion. Nakapag report kasi sakin ang head ng security rito sa mansion na si Kuya Jobert na may napapansin daw silang umaaligid na nakamotor dito.

Lalo na daw sa madaling araw, mag sta-stay sa tapat ng gate at sisilip silip sa loob. Ilang beses na daw nila to napapansin, kaya mas lalo akong kinabahan. Nagpadagdag ako ng mga bodyguards sa mansion, isang linggo na rin kasi ang nakalilipas mula nung aksidente nila anne at athena.

*Cellphone Rings*

Napatigil ako sa pakikipag usap sa mga tauhan namin nung may tumatawag sakin. Agad ko namang sinagot ang tawag.

"Yes?"

"May I speak to Ms. Snow Kent?"

"Speaking, who's this?"

"This is doctor sumil miss Kent,"

"Oh yeah, dr. sumil, kamusta? Anong balita sa cupcake na pinacheck ko sainyo?"

"Mas mabuti kung pumunta ka na lang dito sa hospital para mas maexplain ko sayo."

"Okay po. Salamat, alis na ho ako ngayon."

Binaba ko na ang tawag, binilinan ko na lang ulit ang mga tauhan namin bago umalis. Andun naman si jade sa hospital kasama si ate kaireen at fall na dumalaw kila anne at athena.

Si summer naman, kasama ang family niya ngayon kaya panatag ako. Si sam ganun din, kasama din ang fam niya.
Umalis na rin ako after ko bilinan ang mga tauhan,

Ilang sandali lang nakarating na agad ako sa hospital. Dumaretso muna ako sa office ni Dr. Sumil dahil masama ang kutob ko sa cupcake na pinacheck ko sa kanya. Kumatok lang ako saglit sa office niya at pinapasok naman niya ako agad.

"Take a seat Ms. kent,"

"Thank you, Dr. Sumil." naupo na ako sa tapat niya. May nilabas siya na mga papel na naglalaman yata ng result dun sa cupcake.

"Ms. Kent, saan niyo po nakuha ang cupcake na yon?" seryosong tanong niya.

"Ah, may nagbigay lang ho sa pinsan ko. Kaso duda ho ako sa cupcake kaya diko na ho pinakain sa kanya at pinacheck ko agad sainyo."

"Sigurado po ba kayo na hindi ito nakain o natikman man lang ng pinsan niyo?"

"Opo, sigurado ho ako. Bakit po ba? Tama po ba hinala ko na may lason don?"

Binaba niya na muna ang salamin niya at huminga ng malalim bago nagsalita, "Yes Ms. Kent, may strychnine poison ang cupcake na yon. Delikado ho ito, once you take it, it will only take 15 to 60 minutes bago lumabas ang mga symptoms, magkakaroon ng continuous convulsions and maaari itong ikamatay sa loob lamang ng 2 o 3 oras."

Fuck. Naistatwa ako sa narinig ko, fck sht. Ibig sabihin lang non, sigurado talaga ang lalaki na yun na patayin si ate kaireen?! Pero bakit? Shit!

Kulang na kulang ako sa lead at impormasyon sa kanya. Lahat na ng tao na pwede na tumulong sakin para makahanap ng lead sa lalaki na yon kinontak ko pero hanggang ngayon wala pa rin kaming lead. O kahit maliit man lang na impormasyon sa kanya.

At kung tama ang hinala ko na iisa lang ang lalaki na bumangga kila anne at athena, at sa lalaking nagbigay ng cupcake kay ate kaireen. Ibig sabihin, pursigido talaga siyang patayin ang mga ito. Shit shit shit!

"Ms. Kent? Ayos lang po ba kayo?"

Bumalik lang ako sa katinuan ng tinawag na ulit ako ni dr. Sumil,

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon