Chapter 40: Make Out

5.6K 93 2
                                    

A/N: Spg ahead. Read at your own risk.




Snow's POV

Isang linggo na kaming naghahanap kay joshua ugok, nakapag hanap na kami sa makati, tagaytay, batangas at maynila. Sa lahat ng pag aari nila sa mga lugar na yan, pinuntahan na namin. Pero wala. Iisa lang lagi ang sinasabi nila, 'wala siya dito, ilang taon na namin siyang di nakikita' puro ganon na lang.

Halatang scripted ang mga sinasabi nila. Wala na kaming nagawa kundi umuwi na lang at mag isip pa ng ibang plano, kung pano namin siya mahahanap.

Andito kami ngayon sa mansion. Kumpleto kaming lahat dito at pare-parehong nag iisip kung paano namin mahahanap yung joshua na yun.

"Mahirap talagang hanapin ang taong di nagpapahanap," sabi ni silver. Katabi niya ngayon ofcourse si fall. Ewan ko ba sa isang to, ayaw din mawalay kay fall eh pero kapag tinanong naman kung gusto na ba niya si fall sasabihin niya 'hindi, never'. Hay nako.

"Halatang sinabihan na niya lahat ng tao niya na sabihin na wala siya kapag merong naghanap sa kanya," sabi naman ni riyen na katabi si ate kaireen. Now that I look at them, bagay sila.

"Wala na bang ibang pag mamay ari yun dito?" tanong naman ni kuya. Hindi siya pumasok sa opisina ngayon para makichismis samin. Joke, para makibalita pala.

"Wala na eh," sagot ni riyen. Tahimik naman ang iba samin, magkakatabi sila anne, athena, khail, at jace na nakikinig lang samin.

"Mukang hindi na rin siya makakilos satin dahil andami nating bantay, panigurado nag iisip yun ng ibang paraan," sabi ni summer myloves. Magkatabi kami at hawak ko ang kamay niya. Sobrang namiss ko siya nung time na busy kami sa paghahanap sa kupal na yun.

Ako naman, nag iisip lang. Kung hindi namin siya mahanap, isang paraan lang ang naiisip ko para kusa siyang magpakita samin. Pero sobrang risky. Isang pagkakamali lang namin baka mapahamak kaming lahat.

"Snow, alam kong may naiisip ka dyan kaya tahimik ka. Speak up, sabihin mo samin kung ano man yang naiisip mo." napatingin ako kay jade. Kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko. Tsk.

"Meron nga akong naiisip. Pero sobrang risky," sabi ko. Lahat ng atensyon nila na saakin na.

"Sabihin mo na, we should share our thoughts on this." sabi ni riyen. Huminga na muna ako ng malalin bago nagsalita.

"Kung ayaw niya magpahanap satin. Iisa lang ang naiisip kong paraan," tumingin ako sa kanilang lahat, hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ni summer, "Bait. Kailangn natin ng pa-in para mapalabas siya." sabi ko.

Nagkatinginan naman silang lahat at nag isip. "Tama ka, kailangan nga ng bait, at sobrang risky nga nyan." sabi ni riyen.

"Kaya nga mag iisip na lang ako ng ibang paraan, im sure meron pa." sabi ko naman. Ayoko rin kasi ng naisip ko dahil sobrang risky, ayoko na ipa-in ang isa sa mga taong mahahalaga sakin noh. Baka kung ano pa yung gawin nung joshua na yun na ikakapahamak namin o ng ipina-in namin.

"Wala ng iba pang paraan, yun na lang din ang naiisip kong paraan para mapalabas ang jerk na yon." sabi ni silver. Hays, yun na nga eh. Kahit na anong isip ko ng ibang paraan, wala pa rin, ang pag papa-in lang ang paraan.

"Tama si ash, pero sino naman ang ipapa-in natin kung ganon?" tanong ni jade.

Walang kahit na sino ang sumagot sa tanong ni jade. Nag iisip kami at the same time natatakot sa pwedeng mangyari.

"Ako." sabi ko. Lahat naman sila napatingin sakin. Lalo na si summer na bahagya pang kinurot ang kamay ko, ouch.

"Pwede ngang ikaw since ikaw naman ang gusto niya," pagsang ayon naman ni silver. Lokong to! Gusto talaga nito mapahamak ako eh.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon