Chapter 6: Overnight

7.1K 215 8
                                    

Snow's POV

Maaga kaming ginising ni kuya. 7 am pa lang ginising na niya kami at pinag almusal. Siya daw kasi ang naghanda ng breakfast kaya special daw ito at kailangan kami ang unang titikim.

"Ano girls? Masarap ba?"

"Oo kuya bullet yum yum!"

"Buti naman nagustuhan mo jade. Eh ang baby sister ko?"

"Ts." umirap lang ako sa kanya at tumango. Ngumiti naman ito at kumain na rin.

"So kuya, I thought na bukas ka pa uuwi?"

"Changed plans. Ngayon na kasi ang punta natin sa family ng gf ko. Bukas kasi may business trip na ang parents niya so dapat ngayon tayo pupunta."

"Ah kaya pala. Pero buti na lang kuta bullet dumating ka ng maaga kahapon. Naihatid mo pa kami."

"Oo nga jade eh. Buti na lang."

Nag usap lang silang dalawa ni jade at ako naman paminsan minsan nagsasalita rin. After namin mag breakfast, naligo na kami ni jade dahil isasama nga kami ni kuya sa bahay ng gf niya. Hanggang gabi daw kami don.

Ts. Sana pumasok na lang ako. Hays.
Nagsuot ako ng long sleeve jacket pero walang hood at nag short tas nag rubber shoes na rin ako. Si jade naman nag simple dress lang.

"Oh snow, sabi ni kuya bullet mag formal daw tayo."

"This is formal for me."

"Eh? Ayaw mo mag dress?"

I just shrugged. Lumabas na kami ng room at nakita namin si kuya sa living room na nakasuot ng formal attire. Tsk. Parang makikipag meeting lang siya sa mga business partners niya. But I admit, kuya bullet looks so dashingly handsome sa porma niya. Well. Kahit anong porma naman bagay sa kanya.

"Hi kuya bullet. Pogi natin ah?"

"Hi jade, poging pogi na ba ako sa suot ko?"

"Naku kuya bullet, kahit naman anong suot mo pogi ka pa din. Parang itong kapatid mo, kahit anong isuot maganda pa din."

"Oh baby girl, bakit dika naka dress? Si jade naka dress tapos ikaw hindi?"

"Hindi ko trip."

"Hays. Okay na nga yan. Maganda ka pa din naman baby girl. And you too jade, wala pa bang nanliligaw sainyong dalawa?"

"Naku. Marami kuya. Kaso itong kapatid mo tinataboy pati manliligaw ko. Sinusungitan niya."

"Hahaha. Ganun ba? Sabagay mga bata pa kayo para dyan. Oh tara na."

Inirapan ko na lang silang dalawa at nauna ng pumasok sa kotse. Iisang kotse lang gamit namin, yung family car namin which is montero. Ayaw kasi ni kuya na gamitin ang mga kotse namin, mas maganda daw kapag iisang kotse lang kami. Ts. Dami alam.

Sumakay na rin silang dalawa at umalis na rin kami. Ilang sandali lang nakarating na rin kami. Ang ganda rin ng bahay at mansion din to. Pero mas malaki ng konti ang mansion namin.

Pagdating namin may nakaabang na na bodyguard at maid samin at nilead ang way papasok ng mansion.

"Mas malaki ng konti ang bahay ninyo dito pero medyo modern nga lang to." bulong ni jade.

"Oo nga."

"Ready na ba kayo girls? Lalo ka na baby girl?"

"Ts."

Natawa na lang siya pati si jade. Sanay na yan sakin. Pumasok na kami sa loob at dumaretso kami sa living room. Nadatnan namin don ang mom at dad ng gf ni kuya. May lalaki na rin na nakasalubong samin. Saan yung gf ni kuya dito?

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon